Tamara's POV
Pagkatapos naming kumain ay inaya ng mga bata si Ethan na maglaro sa garden kaya naiwan akong mag-isa na naglilinis ngayon sa kusina. Mula dito ay natatanaw ko sila na tawa ng tawa habang naghahabulan. I smiled, seeing my kids smiling and happy makes me happy too. Kontento na ako sa kung ano man ang meron kami. Alam na ni Ethan ang tungkol sa mga bata ang problema nalang niya ay kung paano nito sasabihin kay Joy ang totoo pati na din sa mga magulang nito.
"Hey," Aning baritonong boses sa kaniyang likuran. Naghuhugas siya ng pinagkainan nila at hindi niya namalayan na naka pasok na pala ang ang mga anak niya na basang basa na ng pawis kagaya ni Ethan.
"Oh tignan niyo nga basang basa na kayo ng pawis." Sabi niya sa mga anak niya.
"Mommy can daddy sleep in our house?" Tanong sa kaniya ni Ella.
"Why? Do you want daddy to sleep here?" Tanong niya naman dito.
"Yes mommy! Gusto ko katabi si daddy!!!". Si Ella ang sumagot na tumatalon pa.
"Me too mommy I want daddy and you to sleep beside us. Please mommy?". Si Ezekiel naman ang sunod na nagsalita habang nagpapacute.
Si Elijah ay tahimik lamang at nakangiti lang na tumingin sa akin dahil sa tatlo niyang kapatid alam niyang papayag din naman ako.
Tumingin muna ako kay Ethan he smiled at me reassuring that whatever is my decisions is ok to him.
"Sige". Ginulo-gulo ko ang buhok ni Elijah. "Daddy can sleep with us but, kailangan niyo munang mag palit at basang basa na kayo." Mahinahong sabi ko sa kanila.
"Yehey!!!!!" Sabay sabay naman silang nagsipalakpakan. Ethan looked at me trying to hold his tears natawa nalang ako sa naging reaction niya.
"Let's go magpalit muna tayo ok." I said to them. Sinunod naman nila ako, iniwan ko muna ang ginagawa ko at pumasok sa kwarto nila para punasan at palitan sila nga damit. Si Ethan naman ay nakasunod lang sa amin.
After kung matapos mabihisan ang mga bata ay nakatulog na sila. Alas Dos na ng hapon at dapat kanina pang Ala-una sila nakatulog. Ethan was leaning on the door kanina niya pa pinapanood ang bawat galaw namin.
Ng masigurong ok na ang pag tulog ng mga bata ay lumabas na kami ng kwarto nila. I automatically face Ethan and look at his face.
"How's your child with joy?", I gently asked him.
He was stunned for a few seconds before answering.
"She's good, yun nga lang hindi pa rin nagsasalita." He then answered.
"Oh, so it's a girl. 3years old lang din siya diba? Siguro mas matanda lang siya ng ilang buwan sa quadroplets. Normal lang naman minsan sa mg 3 years old ang hindi pa masyadong nagsasalita malay mo baka bukas makalawa nakakapagsalita na ang anak mo." Sabi ko sa kaniya dahil halatang napakalaking problema ng sinabi niya. Oo nga naman sinong magulang ang hindi mababahala kapag hindi pa rin nagsasalita ang anak niya.
"Nagsasalita din naman siya pero yong baby talk lang, kaya nga nagulat ako sa mga anak natin e. Pero mabait din siya, she loves biking " Sagot nito sa akin. Anak natin huh. "Do you want to meet her?" Tanong nito sa akin na ikinanuotng noo ko.
"Siguro kapag ayos na ang lahat." I answered him.
"I'm sorry Tamara, alam kung malaki ang kasalanan ko sayo. Madami din akong dapat aminin sayo na gusto ko ng gawin ngayon pero pa pwede. Mapapahamak kayo at ayokong my masaktan sa inyo. Mahalaga ka sa akin Tamara pati na ang mga anak na tin. I'm doing this for the sake of our children and for you kaya sana ngayon wag ka munang tumakbo, hayaan mo akong magpaliwanag sayo kapag natapos na ang lahat."
"Ano ba ang totoong nangyayari Ethan?" I am now more curious on what is happening after he said that.
"Wag mong alalahanin ang problema ko, just be a loving mother to our children." He calmly said to me.
Alam ko na hindi ko na siya mapipilit na mag kwento kaya hinayaan ko nalang siya. Marahil my mga bagay talaga na hindi ko pa kailangan malaman sa ngayon at ang dapat ko nalang gawin ay ang maniwala sa kaniya.
"As for Joy, pwede bang huwg mo siyang banggitin kapag magkasama tayo." He said out of nowhere.
Nagkibit balikat lang ako at tumango. Alas-kuwatro na at nagtitimpla ako ng kape namin tulog pa din ang mga bata dahil siguro sa pagod kaya mahaba haba ang tulog ng mga ito. Matapos kung mag timpla ng kape ay ibinagay ko sa kaniya nagpaalam na din ako na maliligo at ito muna ang magbantay sa mga bata.
Natapos akong maligo at magbihis ay lumabas na din ako sa silid ko. Pumasok ako sa kwarto ng mga bata at nakita ko silang naka upo sa kama habang nakatingin sa taong nakahiga sa maliit na sofa. Bumaba si Elijah sa kama ng makita ako at tinuro ang daddy nila.
"Mommy, daddy is so big baka po masira yong sofa namin." Muntik na akong humagalpak ng tawa akala ko pa naman ay sasabihin niya na palipatin ang daddy niya sa kama para hindi sumakit ang likod nito. Tsk tsk tsk. Napailing nalang ako at lumapit kay Ethan si Elijah naman ay sumunod sa akin samantalang ang tatlo ay tahimik na nakatingin sa amin.
"Ethan." Yumuko ako at tinapik tapik ko ang balikat nito para gisingin pero hindi manlang umepekto. Nagsalita lang ito ng "I want Ice cream." Na parang bata at nagpacute pa. Bigla namang tumawa ng malakas si Elijah at sumunod naman sa kaniya ang tatlo. Nagulat naman ako ng biglang bumalikwas ng bangon si Ethan.
"Tamaraa!" Sigaw pa nito.
"Anong sinisigaw mo diyan sa pangalan ko, kanina ice cream lang sinasabi mo habag natutulog." I said.
Tumingin naman siya sa akin pati na sa mga bata.
"Thanks God akala ko totoong my nangyaring masama sa inyo." Para naman itong nakaginhawa ng maluwag.
"Anong masamang nangyari?" I curiously asked.
"It's a bad dream." He just simply answer.
"Daddy sleep ka dito o." Ella said to her father tinuro nito ang space sa higaan ng mga ito. Malaki ang kama nila dahil tabi silang apat kung matulog.
"Let's go daddy." Aya naman sa kaniya ni Elijah. Nginitian ko naman siya at humiga sa kama ng mga bata.
"Magluluto lang ako ng hapunan." Sabi ko sa kanila at lumabas na ng kwarto. Tumawag sa akin si lola kanina na hindi raw sila makakauwi at hindi sigurado kung kailan dahil my bagyo. Sinabi ko sa kaniya na nagkita na ang mag-aama at sinabi niya na masaya siya para sa mga bata.
Habang nagluluto ng hapunan ay hindi ko maiwasang isipin ang tungkol kay Ethan. Ano ba talaga ang totoong nangyari 3 years ago? Dapat ba na hindi nalang ako umalis?
Natapos kaming maghapunan at ngayon ay nakahiga na kaming anim sa kama ng quadroplets buti nga at nag kasya pa kami dito. Nasa magkabilang dulo kami ni Ethan.
"Good night babies I love you" Niyakap at hinagkan ko sila pagkatpos ay ganoon din ang ginawa ni Ethan.
"Love you mommy love you daddy." Ellie said at mas lalo pang sumiksik s kili kili ko.
"Mommy wala bang good night kiss si daddy?" Tanong ni Ezekiel. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa tinanong ng anak ko. Hindi na pwede anak! Naku magkakasala pa ako.
Pero laking gulat ko ng makita si Ethan sa tabi ko at hinalikan ako bigla.
"Good Night mommy." He said and even winked at me after we kiss!