Chapter Four

1086 Words
4 years later........ Tamara's POV "Ma'am Tamaraaaaa!!!!", narinig kung sigaw ng isang empleyado ko na si Janice Pilipina siya at nakipagsapalaran sa ibang bansa dahil sa hirap ng buhay ng pamilya nito sa Pilipinas. Oo, tama ang hula niyo 4 years ago I decided to find my Grandparents ang mama at papa ng Nanay ko at hindi ako nabigo dahil nakita ko agad sila wala pang isang buwan akong naghahanap. Ang kwento sa akin ng mama noon ay nasa Seattle daw ang parents niya mabuti na lang ar naayos ko kaagad noon ang visa ko. Nang maghiwalay kami ni Ethan ng araw na iyon ay hindi na ako nag aksaya ng panahon. At here I am now in Seattle living with my grandparents dahil matanda na rin sila. Ako na din ang nagma-manage ng restaurant na pag mamay- ari ng pamilya ko dito sa Seattle. "Janice! Bakit?", tanong ko sa kaniya. "Nakalimutan niyo ho yung pina luto niyo kay Chef maam Tamara", sagot nito sa akin. "Oo nga pala, nakalimutan ko na sa sobrang pagmamadali", nagpaluto kasi ako kanina sa Chef namin ng pasta. "Salamat Janice ha, naku baka magtampo ang mga duwende sa bahay kapag wala akong inuwing pasta na luto ni Chef Mark. Hahahahaha.", Natawa din siya sa sinabi ko. "Osige Janice mauna na ako. Salamat ha kayo ng bahala dito", sabi ko sa kaniya at nginitian siya. Si Janice ang isa sa pinagkakatiwalaan kong empleyado mabait siya at dahil na rin siguro Pilipino siya ay naging magaan agad ang loob ko sa kaniya. Matagal na ring nagtatrabaho si Janice sa Restaurant nasa anim na taon na. Shes 25 years old and Im 28 mas matanda ako sa kaniya kaya laging my po at opo kapag kausap ko siya. Maganda din na my nakakausap akong Pilipino dito dahil nakakapagsalita ako ng tagalog paminsan-minsan "Sige po maam ingat ho kayo pauwi", paalam niya pagkatapos ay ngumiti sa akin. Lumabas na ako ng Restaurant at dumeretso sa parking lot. Dali-dali akong sumakay sa kotse ko. Ng makarating sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse dala ang pasta na pasalubong ko. "Hello Everybody!!", sigaw ko ng buksan ko ang pinto sa sala. Narinig ko ang mga yabag ng paa na papalapit sa akin. "Mommy!!", matinis na sigaw ng apat na bata. They are my children anak namin ni Ethan nalaman ko nalang na buntis ako ng mahanap ko ang lolo at lola ko. When doctor said that Im carrying a quadroplet I was afraid na paano pag my mangyaring masama sa akin habang dinadala ko sila sa sinapupunan ko lalona ng sabihin ng doctor na sa konting aksidente ko sa katawan ay maaaring ikasama ng mga anak ko . And thanks to God. My pregnancy is ok walang masamang nangyari , tatlong taon na sila Elijah ,Ezekiel,Ella and Ellie two boys and two girls who's all adorable. Kasama ko ang Grandparents ko na nagpalaki sa kanila. "Hello babies ko na miss ko kayo pa kiss nga , niyakap ko sila isa-isa at hinagkan sa pisngi. "Miss you too mommy!", sabay nilang sabi sa akin. "Mommy where's my pasta?", tanong sa akin ng bunso ko na si Ellie. "Charaaannn!!", at pinakita sa kanila ang hawak kong paper bag. " Now go to your yaya's and mag wash ng hands okay, magbibihis lang muna si mommy tapos sabay tayong kakain ng pasta!". "Okay po!", sagot naman ng panganay ko na si Elijah. "Let's go na", aya niya sa mga kapatid niya na agad na mang sumunod sa kaniya papunta sa mga yaya nila. "Oh apo nandito ka na pala", it was my grandmother na pababa na din ng hagdan. "Hi lola, how's your day kasama ang makukulit mong apo?", bati at pagtanong ko sa kaniya. "Haha, masayang alagaan ang mga anak mo apo, hindi naman sila nagpapasaway sa amin napakasaya nga nilang bantayan eh. Mababait na bata sila at tama lang ang pagpapalaki mo. I'm proud of you apo.", sabi ni lola sa akin. "Thank you lola, and I'm not the only one who raise them kayo rin po ni lolo hindi ba. Ako po ang dapat mag pasalamat sa inyo sa lahat ng ginawa ninyo para sa amin ng mga anak ko." , saktong pagbaba niya ng matapos akong magsalita. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Kulang pa iyan sa lahat ng nagawang kasalanan namin sa mama mo apo. Araw-araw kong pinagsisihan na nagawa namin siyang ipagtabuyan habang ipinagbubuntis ka niya.", Madamdamin niyang pagsasalita. "Love you lola", sabi ko sa kaniya habang pinipigilan ang maluha. "Mahal na mahal din kita apo ko", tugon niya sa sinabi ko. Bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isat-isa "Nassan po pala si lolo?", tanong ko sa kaniya. "He visited his friends, magkukwentuhan lang daw, dahil matagal na din silang hindi nagkikita. Pumanhik ka na sa kwarto mo at magpalit baka mainip na kakahintay sayo ang mga bata.", she said while smiling. "Sige po aakyat na ako, sabayan niyo na din po kami lola madami po ang pinaluto ko", pahabol ko habang paakyat sa 2nd floor ng bahay. Agad kong bilisan ang pagligo at pagbihis. Pagkatapos ay dali daling bumaba ulit para sabayan silang kumain. Isa din sa paborito ni Ethan ang pasta na na siyang namana ng mga anak namin sa kaniya. "Mommy when are we going to the Philippines?", Tanong sa akin ni Ella habang kumakain kami ng dala kong pasta. Matagal na akong walang balita kay Ethan, but my children knows their father dahil my iilang litrato pa ako ni Ethan na naitago noon. Hindi ko pa napaghahandaan ang pakikipag kita kay Ethan. I have plans telling him about our children hindi naman ako makasarili my karapatan din naman siya sa mga bata, pero hanggang doon lang iyon. Siguro ay nagpakasal na sila ni Joy at malaki na din ang anak nila matanda lang siguro iyon ng ilang buwan sa quadroplets niya. "Kapag ok na ang Restaurant honey, okay?", sagot niya dito. "Really mommy? So you mean makikita na namin si Daddy? Hindi na siya busy sa work?", tanong naman ni Ezekiel. "Hindi ako sure kung hindi na siya busy, but I promise uuwi tayo sa Philippines", she said to her children smiling. "Yehey!", sigaw nila, halatang gusto na nilang makita ang ama nila. Tumingin din siya sa lola niya na nakangiti habang pinapanood ang apat na bata na masayang kumakain ng pasta. Sana ay maging madali ang lahat sa kanila. Ayaw niyang masaktan ang mga anak niya and she will do everything para lang wag masaktan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD