Sienna's POV Napangiwi ako sa mga niladlad na damit ni Sierra sa harap ko. Nagyaya kasi silang dalawa ni Rachelle na mamasyal kaya heto kami at namimili ng isusuot ko mula sa mga pasalubong na damit ni Sierra para sa akin. Sabado naman ngayon kaya pwedeng mamasyal at pinayagan naman kami ni nanay. Ang daming pasalubong na damit ni Sierra pero parang wala akong magustuhan. Para kasing masyadong revealing ang mga damit na dala nya. Magmumukha ako nitong rarampa sa catwalk! “This!” sigaw ni Sierra at itininaas ang isang pulang dress na sa unang kita ko palang ay alam ko ng napaka sexy at hapit sa katawan ko. “Ayoko nyan!” protesta ko. “This will look good on you, Sis! Come on! You try it!” “Ayaw!” sagot ko at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib ko. “Hay, naku twin sister Sier

