Celestine's POV ( Xander's Mom ) “Where's your son, Celestine?” “I’m sure he’s with his friends, Gabriel. Maya-maya lang ay uuwi na siya.” “Ito ang gusto ni Xander sa pag-alis niya sa mansyon, Celestine. Uuwi siya kung kailan niya gusto! Kung sino-sino pa ang kasama! Kanina pa nandito si Tine! Nakakahiya sa kanya kung maghihintay pa siya ng matagal!” “Don't worry, Tito. I can wait a little longer,” singit ng disiotso anyos na dalaga. “You can occupy the guestroom kung gagabihin ka sa paghihintay kay Xander.” “It's fine, Tita. May dala naman po akong sasakyan. Isa pa mag-aalala si Mama kapag hindi ako nakauwi.” “Oh, pero hindi ko alam kung ano’ng oras makakauwi si Xander, Hija.” “Call him, Celestine,” utos ni Gabriel. “Kanina ko pa siya tinatawagan pero unattended,” sagot ko.

