"Lucky is the man who is the first love of a woman, luckier is the woman who is the last love of a man.” ~Anonymous "Friend! Ano na? Hindi pa ba tayo kompleto? Tanghali na!" Napairap ako kay Sofia na nakasilip sa bintana ng bus na sasakyan namin papunta ng Pangasinan. Daig pa nito ang teacher in-charged kung magmadali. Ngayon na kasi unang araw ng community service namin doon at magtatapos pagkatapos ng tatlong araw. Taon-taon namin itong ginagawa. Actually, sabit lang talaga ang block namin dahil ang grupo talaga ni Xander ang may pakana nito every year. Taon-taon silang namimili ng mga lugar kung saan may mahirap na pamumuhay at nagbibigay sila ng tulong. Perks of having such wealthy blockmates. "Mayroon pang wala, friend! Sandali na lang!" Habang naghihintay sa ibang kasama namin a

