“MUKHANG gusto yata ng Nicole na ‘yan ang mag-enroll dito sa Kingsville, ah! Araw-araw na nandito, eh!” napasimangot na wika ni Sofia habang sinusulyapan sina Xander at Nicole na sweet na kumakain ng lunch sa canteen. Napasulyap ako sa dereksyon ng dalawa. Ang touchy na Nicole kay Xander. Halos magoakandong na nga ito sa binata. Hindi ko itatangging nakakaramdam ako ng inis. Paani kasi’y tila walang pakialam ang dalawa kung PDA ang mga ito. Nasa loob sila ng campus for Petes’s sake! At hindi ko maintindihan kung ano ang nakakakilig sa ginagawa ng dalawang iyon lalo na ni Nicole at hindi mapigilan ng karamihan sa estudyanteng naroon ang impit na tili. “My, God! Hindi ko alam kung paani nate-take ni Xander ang ganyang klase ng babae, ha? Kulang na lang ay hubaran nito si Xander. Kung saa

