Sienna's POV Maaga akong nagising. Tiningnan ko ang suot kong relong pambisig at nalaman kong alas singko pa lang ng umaga. Bumangon na ako sa kinahihigaan ko at kumuha ng jacket at maliit na towel. Malamig pa kasi ang hangin at hinanap ko na rin ang tsinelas ko na gagamitin. Sinulyapan ko si Sofia na mahimbing pa ang tulog. Lumabas na ako para maghilamos doon sa poso nang maagaw ng atensyon ko si Xander na may kausap sa cellphone. Tahimik akong lumapit sa kanya ngunit napatigil ako ng malaman ko kung sino ang kausap niya. “We're fine, Prill. Don't worry. How about you? Kamusta ka riyan?” narinig kong sabi ni Xander. Hindi ko alam pero parang may tumarak agad na punyal sa dibdib ko marinig pa lang ang pangalan ni Prill. Prill was one of Xander’s ex-girlfriends. Kung tama ang narinig kon

