Sienna's POV Kahit madalas magbangayan ang kaibigan kong si Sofia at Ethan na parang aso't pusa, alam kong masaya naman ang kaibigan ko. Nakikita ko naman sa pagngiti niya ng lihim kapag sinasabi ni Ethan sa kanya na mahal siya nito. Bilib din ako kay Ethan kahit alam niyang hindi pa pwedeng maging sila talaga ni Sofia pinapakita naman niya kay Sofia na hindi niya ito iiwan kahit ano’ng mangyari. Alam ko namang mahal nila ang isa't isa kaya lang may mga bagay talaga minsan na kailangang isaalang-alang para na rin sa ikabubuti ng lahat. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang narinig ko kay Xander kanina lang. Tama siguro si Ethan. Dapat kinausap ko muna si Xander hindi ‘yong basta-basta na lang ako magtatampo ng ganito. No. Hindi pala ako nagtatampo mas higit pa doon. Nasasaktan ako.

