Sienna's POV Natapos na rin ang immersion namin sa Pangasinan. Nakabalik na kami uli rito sa Maynila at nasa harap kaming dalawa ni Xander ng bahay namin. Mula kasi sa school ay inihatid na rin ako ni Xander dito sa bahay. "Wala yata si nanay,” sabi ko. "Hindi ba niya alam na ngayon ang uwi natin?” “Alam niya. Nay!” tawag ko habang nakatayo kami ni Xander sa harapan ng pintuan. Nangangalay na ang mga likod ko at mga paa sa kakatayo. Buti na lang tinulungan ako ni Xander na buhatin ang bagpack ko kung hindi baka kuba na akong sasalubungin ni nanay. "Nay! Nandito na po ako!” tawag ko sabay katok ng pinto. Wala pa naman akong susi ng bahay. Mayamaya lang ay narinig na naming nagbukas ang pintuan. “Oh, baby andyan ka na pala!” sabi ni nanay. “Oh, baby baby!” kanta niya nang makita si Xand

