Chapter 2

1656 Words
“XANDER, pinapatawag ka ng daddy mo sa silid nila.” I stopped in the middle of strumming my guitar. Gusto ko sanang mag-relax dito sa tabi ng swimming pool namin habang tumutugtog ng gitara pero mukhang hindi posible iyon. Bumuntong-hininga ako bago ibinaba ang gitara at saka humarap sa aming mayordoma. “Bakit daw po, Manang?” “Eh, hindi ko alam. Ang sabi’y paakyatin ka lang sa silid nila ng mommy mo. Puntahan mo muna at baka may sasabihin sa iyong mahalaga.” I nodded. “Salamat po, Manang.” Ngumiti at tumango lamang siya at saka umalis na. I stood up and glanced at my guitar before walking towards the master's bedroom. Nasa ikalawang palapag iyon ng aming bahay kaya't malalaki ang mga hakbang ko upang makapunta agad roon. Kung anoman ang pakay nila ay gusto ko nang matapos agad upang maituloy ko na ang planong pagri-relax. Inabutan kong bahagyang nakaawang ang pinto ng silid ni Mommy at Daddy. Naulinigan ko pa ang pag-uusap nila ngunit hindi malinaw sa akin kung ano iyon. I knocked twice before entering their room. Nakita kong nakatingin sa akin ang aking magulang. “Mom, Dad…” I felt the awkwardness in the air. Hindi nila inalis ang paninitig sa akin na parang anomang sandali ay may gagawin akong hindi katanggap-tanggap sa kanila. “Maupo ka riyan, Xander,” utos ni Dad na itinuro ang single sofa na nasa paanan ng kama nila. Sinunod ko ang sinabi ni Daddy at ilang sandali naghintay sa sasabihin nila. Kung titigan ako ni Daddy ay tila kakainin niya ako nang buo habang si Mommy naman ay hindi maitago ang pag-aalala sa mukha. Bigla akong kinabahan. Mukhang may nalaman na naman si Daddy tungkol sa akin! “Ano po ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko bagaman may hinala na sa isip ko. Kung tungkol kasi sa pamilya o negosyo namin ang pag-uusapan ay nasisiguro kong kasama namin sa silid na ito ang nakatatanda kong kapatid na si Ate Xyra. Ngunit dahil ako lang naman mag-isa ang ipinatawag nila ay tiyak na tungkol sa akin lang ang pakay nila. Nakita ko ang paglapat ng kamay ni Mommy sa ibabaw ng hita ni Dad. As if pacifying him. Napalunok ako dahil sa pagdagundong ng kaba sa aking dibdib. My father heaved a deep sigh. “Ilang beses ko bang sasabihin na ayokong nakakarinig ng mga reklamo tungkol sa pambabae mo, Xander? For heaven’s sake, magtino ka na!” Hindi ka napigilang mapangisi sa narinig. Pero nang makita ko ang nagbababalang tingin ni Mommy at seryosong mukha ni Daddy ay sumeryoso ako. I cleared my throat. “Sino na naman po ba ang nagsumbong sa iyo, Dad?” I saw my father fisted his hand. Sa mga ganitong pagkakataon ay alam kong hindi ko dapat siya bibiruin. Alam kong pinipigilan lang niya ang sariling pagtaasan ako ng boses dahil nasa tabi niya si Mommy. “Hindi nagsumbong sa amin si Jasmin, Xander,” malumanay na wika ni Mommy. “Ang mommy niya ang nagsabi sa akin tungkol sa paglalaro mo sa damdamin ng anak niya.” Napapikit ako nang mariin bago tingnan si Mommy. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin kung kaya hindi ko kayang magpakita sa kaniya ng inis. Just a simple sight of my mother melts my heart. “Mom, hindi ko pinaglaruan ang damdamin ni Jasmin,” panimula ko sa pagpapaliwanag ng side ko. “I know your reputation at school, Xander. Hindi ko sinasabing hindi ka na puwedeng mag-enjoy ng kabataan mo but you must be responsible for the consequences of your actions. Don’t treat any woman like a toy na paglalaruan mo lang,” mahabang sabi ni Mommy. Hindi man lang yata narinig ang sinabi ko. “Mom, I swear hindi ko po pinaglaruan si Jasmin. Itanong niyo pa po kina Ethan. Yes, we dated twice pero pagkatapos niyon ay nagtapat ako sa kaniya na wala talaga akong gusto sa kaniya,” I defended. “Kung wala ka naman palang gusto sa kaniya ay bakit nag-date pa kayong dalawa? You just have to dump her right away,” komento ni Daddy na lumambot naman ang kanina ay seryosong mukha. “You’re so cruel, Dad. Hindi ko naman gustong saktan ang damdamin niya sa ganoong paraan. I’m giving ourselves a chance to know each other at kung hindi kami compatible ay saka lang ako magtatapat na hindi talaga puwede.” “After Pril Ann ay dapat nagdahan-dahan ka na sa pambababae mo, Xander.” “Why does it seems like that you’re referring to yourself, Dad?” “Xander!” dumagundong ang boses ni Daddy sa loob ng silid. Agad naman itong pinigilam ni Mommy nang akma itong tatayo. “Mabigat naman po kasing paratang ang ‘pambabae’, Mommy. Pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa asawa ko kahit wala naman ako niyon.” Narinig ko ang pagtikhim ni Daddy at ang pag-ilap ng kaniyang mga mata. Napabuntong-hininga si Mommy. "Tama na ang pag-uusap na ito." Pumagitan na si Mommy dahil tiyak na mauuwi na naman sa away namin Daddy ang usapan."We just want you, Xander, to refrain from going out with so many girls." Bumaling siya sa seryosong si Daddy. "Your father is doing his best to keep the good image of our business pero mga anak pa ng kasosyo natin ang pinaglalaruan mo ang damdamin. Ayokong maapektuhan ang negosyo natin dahil doon, anak. So, please, umayos ka." Napipilitang tumango ako para hindi na humaba pa ang usapan. Kung tutuusin ay hindi ko naman kasalanan lahat iyon. Hindi naman ako ang lumapit kay Jasmin. Ni hindi ako nagpakita ng motibo na may gusto ako sa kaniya. Kahit nagde-date na kami ay nilinaw ko sa kaniya na walang ibig sabihin iyon. It’s just a friendly date para magkaroon kami ng chance na magkakilanlan. Wala akong intensyong paglaruan, saktan at paiyakin siya. “Aasahan ko iyan, Xander. Sana naman ay magtino ka na. Hindi puro babae ang inaatupag mo,” basag ni Daddy sa sandaling pananahimik niya. “You know I’m doing good at school. Kahit sa Lyric ay behave ako, Dad. And girls swooning over me?” I shrugged my shoulders, “It’s inevitable.” Sinamaan ako ng tingin ni Daddy nang makita nitong napangisi ako. I coughed. “Magpapakatino na po ako,” sumusukong saad ko. Hindi ko na sasagarin pa ang pasensya ni Daddy. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagpipigil siya ng galit. He is known as the ice man in our company. Lahat ng empleyado sa C&G Corporation ay takot kay Daddy. At masakit man sa ego ko, aminado akong isa ako sa nanginginig ang tuhod kapag tinititigan niya nang matalim. Nang makalabas ako sa master’s bedroom ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ay naiinitan ako kahit naka-aircon sa loob ng silid. Mabuti na lang at naroon si Mommy upang maging referee sa amin ni Daddy. Kung wala siya ay tiyak na puro si Daddy na lang ang magsasalita at wala man lang akong pagkakataong magpaliwanag. What’s worst is baka mapikon ako at masagot ko pa ang aking ama. Si Mommy lang naman kasi ang nakakapagpakalma kay Daddy. Whenever they had an argument ay laging si Daddy ang nagpaparaya. I gues he would rather lose the argument than lose my mom. “O, ano na naman ang hatol sa ‘yo?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Ate Xyra na nakamasid sa akin. Nakatayo siya sa harap ng silid niya na katabi lang ng silid ng mga magulang namin. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang suot niyang damit na turtle neck dress na hindi nalalayo ang kulay sa maputi niyang balat. Suot niya rin ang mataas niyang sandals na terno ang kulay sa kaniyang damit. Magandang tingnan pero parang ang init niyon kung ako ang tatanungin. Nagkibit-balikat lang ako. “Saan ka pupunta?” pag-iiba ko ng usapan. “Pupunta lang ako kay Pril. She needs my help.” “What kind of help, Ate?” tanong ko na sumeryoso. “Hmm, financial. Alam mo naman ang babaeng iyon. Laging pinoproblema ang pera,” nakangiting sabi ni Ate Xyra. Ate Xyra is only four years older than Pril and me. Habang kami ni Prill ay hindi rin nagkakalayo ng edad. Hilig ni Ate ang mag-design ng mga damit at gamit. Katunayan ay Fashion and Design ang natapos niyang kurso. But Dad, owning half of C&G’s shares, pulled some strings and made them hired my sister kahit pa nasa linya ng Hotel and Restaurant ang kompanya.Walang nagawa si Ate kung hindi ang magtrabaho sa kompanya at talikuran ang hilig niya. After all, our father’s word is unbreakable. “You want to go with me, Xander?” alok ni Ate na agad kong tinanggihan. “I have something else to do, Ate.” “Don’t tell me hindi ka pa nakapag-move on, Xander? It’s not your fault, brother. Hindi mo naman kasi alam, eh.” “It’s all in the past, Ate.” “O, sige na. But you and Prill should atleast talk, hm?” I shrugged. “Nga pala,” Ate Xyra moved closer to me and whispered in my ear. “Nag-chat sa akin si Nicole. Nicole Valdrez. Hindi ko alam close na pala kami. And she’s saying na kayo na raw,” tumawa si Ate nang makitang naka-poker face ako. “Remember what our parents had just told you!” nagpapaalalang sabi nito na nilampasan na ako. Napasapo ako sa ulo ko nang mag-sync-in sa akin ang sinabi ni Ate. “Damn. Ito talaga ang problema ng mga guwapo,” napapailing na lang akong pumasok sa silid ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Saktong paglapat ng likod ko sa malambot na kutson ay tumunog ang message alert tone ng cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko. Muli akong bumangon at tumingala sa ceiling bago igala ang paningin sa loob ng kuwarto ko. My room was a combination of white and black mula sa carpet hanggang sa wallpaper. Kahit ang mga punda ng unan at kumot ko ay kulay itim. Kung hindi lang mahigpit ang pagtutol ni Mommy ay ginawa ko nang kulay itim ang buong silid ko. Black is my favorite color pero gusto ko ring paluguran si Mommy kaya nagkasundo kaming gawing combination ng black and white ng kulay ng kuwarto ko. Pahinamad na kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text. It’s Levi. Nang mabasa ko ang message niya ay agad kong initsa ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Mukhang mas nadagdagan pa ang problemang haharapin ko. “I’m in trouble…” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD