Chapter 3

1750 Words
HINDI pa man sumisikat ang araw ay nasa labas na ako ng bahay at nag-uunat ng katawan. Tuwing Linggo ay nag- jo-jogging ako. Yeah, tuwing Linggo lang. Sabi kasi ng nanay ko ay kailangan din ng katawan ko ang exercise kahit minsan lang. Para naman daw gumalaw-galaw ang mga buto at ugat ko sa katawan. Nakasuot lang ako ng puting t-shirt at hapit na shorts. Rubber shoes naman ang suot ko sa paa. Nagsimula akong maglakad palabas ng compound namin. Binaybay ko ang mataas na pader na naghihiwalay sa compound namin at sa village na tinitirhan ni Xander. Napapahugot na ako ng malalim na paghinga dahil may kahabaan na rin ang natakbo ko kaya naman muntik pa akong masamid nang malingunan ko sa aking tabi si Xander sakay ng mountain bike niya. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya!Nginitian ko siya sa pag-aakalang lalagpasan niya lang ako. But my smile slowly faded as he slow down cycling his bicycle. Nagpasya tuloy akong maglakad na lang at nagpunas ng pawis gamit ang dala kong bimpo. “Hi, Sienna!” bati ni Xander. “O, bakit?” tanong ko sa kaniya. Nasulyapan ko pa ang nakasabit na case ng cellphone sa braso niya at may headset sa tainga. “Nakita kasi kitang tumatakbo kaya sinabayan na kita,” sagot niya at ngumiti nang matamis. Lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi ngunit tiyak kong pati sa kaliwang pisngi ay mayroon din. Tumango na lang ako. Wala naman na akong sasabihin kaya hindi na ko umimik. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. “May pupuntahan akong magandang lugar. Gusto mong sumama?” “Hindi pa ako tapos mag-jogging.” I heard him chuckled kaya muli akong tumingin sa kaniya. “Hindi mo na kailangang magpa-sexy. Sexy ka na.” “Alam kong mambobola ka, Rodriguez. Baka nakakalimutan mong higit dalawang taon na kitang kilala,” sagot ko na inirapan pa siya at nag-jogging uli. Sinasabayan pa rin niya ako habang nagbibisikleta. “Oh? Kung ganoon alam mo favorite food ko? O, ‘yong favorite music ko at favorite sports ko?” Bumalik ako sa paglalakad. Tinaasan ko ng isang kilay si Xander. “Kung sabihin ko sa ‘yong oo? Aalis ka na?” “Hindi.” “Ang kulit.” “Parang niyaya lang kita, eh. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Sienna Ransley. Wala lang talaga akong kasama ngayon. Parang hindi naman tayo magka-klase n’yan!” “Magkaklase tayo pero hindi tayo close.” “Hoy! Ano’ng hindi? Friends tayo. Lagi nga kitang nakikitang tulala at nakatitig sa akin!” Tumawa ako ng peke dahil sa panunukso na naman nito. “Nakakatawa ka, Rodriguez.” “Sige ka. Kapag hindi mo ‘ko sinamahan ngayon wala nang magtatanggol sa ‘yo sa pambu-bully ni Sam. Ano, gusto mo ‘yon? Ha? Ha?” sabi niya na sinundot-sundot pa ako sa balikat. “O, ingat!” bulalas ko nang gumewang-gewang ang mountain bike niya dahil isang kamay lang niya ang nakahawak sa manibela. Pinagtawanan lang ako ng mayabang na lalaki nang makitang halos malaglag na ang puso ko sa kaba dahil sa pag-aakalang madidisgrasya siya. Padabog kong binilisan ang paglalakad pero makulit talaga siya. “Sama ka na.” Binalingan ko uli si Xander. “Saan ba?” tanong ko habang inililibot ang tingin. Malayo na kami sa park at patungo na ang daan sa kabilang bayan. Mangilan-ngilan na lang din ang mga bahay na nakikita ko. “May alam akong lugar,” maikling sabi niya. “Saan nga?” tanong ko. “Mamaya baka kidnapin mo pa ako. Walang pang-ransom si Nanay sinasabi ko sa ‘yo.” Matunog na halakhak ang naging sagot niya sa sinabi ko. “Sakay ka,” alok niya at tinapik pa ang espasyo sa pagitan ng manibela at kinauupuan niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Saan? Diyan?” tanong ko at tinuro ang bisikleta niya. “Oo. Don’t worry. Hindi kita ihuhulog.” “Ayoko. Maglalakad na lang ako—aray!” Napasalampak ako sa sementadong kalsada nang matapilok ako. Napangiwi ako nang sumigid ang sakit ng paa ko. Idagdag pang parang nagpanting ang tainga ko dahil sa muling paghalakhak ng mayabang na si Xander. “Ang arte pa kasi, eh!” sabi niya. Nakita kong huminto siya sa pagba-bike at bumaba roon. He extended his arm to me but I ignored it. Hindi naman ganoon kalala ang pagkakatapilok ko kaya pinilit kong tumayo. Ngunit siniguro kong makikita niya ang mga matatalim kong irap para maramdaman niyang inis ako sa kanya. But the brute just laughed at my reaction! Damuho talaga! “Kung sumakay ka na lang kaagad hindi ka na sana natapilok.” “Hindi ko alam bakit ang malas ko ngayong araw gayong ikaw lang naman ang kasama ko,” inis na sabi ko at paika-ikang naglakad. “Kung iniisip mong ako ang malas, fine! Aalis na ako. Iiwan na kita. Paano ba ‘yan? Lakarin mo na lang pauwi, ha? Malayo-layo pa naman ito sa bahay ninyo. Ingat na lang,” sabi ni Xander na sumakay uli sa bike niya at bumalik na sa pinanggalingan namin. Muli akong napangiwi nang ihakbang ko ang kanang paa ko. Pakiramdam ko ay lalo akong pinagpawisan at uminit ang pakiramdam ko. Maya-maya lang ay masakit na ang sikat ng araw at kung ganito ang klase ng lakad ko ay siguradong aabutan ako ng tanghaling tapat dito sa kalsada. Napaupo ako sa gutter ng kalsada at tiningnan si Xander. Nakalayo na ito at talagang iniwan ako kung kailan hindi ako makapaglakad nang maayos. Ang galing talaga! Wala pa naman akong dalang cellphone! Dala ng inis ay pinagdiskitahan ko tuloy ang nakitang maliit na bato at itinapon sa kabilang panig ng kalsada. I sighed and looked at the sky. Lalo pang nadagdagan ang frustration ko nang makita ang nagtitipong maiitim na ulap. “Oh, come one! Huwag naman ngayon!” mahinang dasal ko. Tiningnan ko ang magkabilang dulo ng kalsada at wala akong nakitang kahit isang paparating na sasakyan. “Kapag minamalas nga naman, oh!” Napakurap ako nang maramdaman ang malamig na patak ng ulan sa aking mukha. Napamura ako sa aking isip dahil mas dumami pa ang tumatamang patak sa akin. Wala pa namang malapit na waiting shed na puwede kong silungan! “Bwisit!” Paika-ika akong tumakbo papunta sa namataang puno ng aratiles na nasa tabi ng daan. Alam kong mababasa pa rin ako roon pero wala na akong pagpipilian. Para na akong basang sisiw pag-uwi ko nito mamaya! Malapit na ako sa puno nang makarinig ako ng sagitsit ng gulong sa likuran ko. Nang lingunin ko iyon ay nagulat pa ako nang makita ko si Xander na sakay pa rin ng mountain bike niya at… bumalik siya! Daig ko pa ang nakakuha ng perfect score sa exam dahil sa ginawa niya. “Sakay na, dali!” utos niya na basa na rin ang katawan ng ulan. “Ba’t ka bumalik?” tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Pilit na itinatago ang nararamdamang tuwa dahil bumalik siya. Hinubad niya ang helmet sa ulo at pilit na isinuot sa ulo ko kahit na tumanggi ako. “Sumakay ka na!” Bigla niya akong hinila at naramdaman ko ang pag-angat ng paa ko mula sa lupa. Bago pa ako makapagprotestang muli ay nasa harap na ako ni Xander at mabilis na siyang pumedal sa kaniyang bike. “Dapat ay bumalik na lang tayo!” sabi ko. Napapikit na lang ako at niyuko ang ulo dahil masakit ang patak ng ulan na tumatama sa mukha ko dahil sinasalubong namin. Wala akong narinig na sagot mula kay Xander kaya tumahimik na rin ako. Ilang sandali pa ay pumasok ang bike niya sa bakuran ng isang lumang bahay. Itinigil niya ang bike sa bakanteng garahe kaya mabilis akong bumaba at sinuyod ng tingin ang paligid. Walang kaingay-ingay maliban sa patak ng ulan sa bubong. May bahagi ng bahay na madilim. Mukhang walang tao rito. “Bakit dito tayo tumigil? Kaninong bahay ito?” “Dating bahay ni Daddy. Nasa London na ang Lolo’t Lola kay wala nang nakatira dito ngayon maliban sa isang care taker.” Tumango. “Ito ba ang tinutukoy mong lugar na pupuntahan natin?” “Oo.” “Tss. Inaya mo ‘ko dahil takot kang pumuntang mag-isa rito, ano? Mukha pa naman itong haunted house.” Narinig kong tumawa si Xander. “Pumasok tayo sa loob. Magpatuyo ka muna baka magkasakit ka pa.” “Mauna ka,” sabi ko. Paika-ika akong sumunod kay Xander at sa tuwing lilingon siya sa akin ay tumitigil ako sa paglalakad at nginingitian siya. Kaya napansin kong binagalan niya ang hakbang para hindi lumayo ang distansya ko sa kaniya. Pumasok kami sa kusina at bumungad sa amin ang mabangong amoy. Amoy malinis. Nang buksan ni Xander ang ilaw ay sumabog ang liwanag sa buong kusina. Sinipat ko ang kabuuan ng kusina at kung anong luma ng anyo ng bahay kung titingnan sa labas ay siya namang ikinaganda at ikinaayos ng mga gamit nito sa loob. Moderno rin ang mga kagamitan at halatang minimintina nang maayos. “Ang ganda naman pala sa loob,” sabi ko nang makarating kami sa sala at maliwanag na ang bahay. “Hindi naman pala mukhang haunted house dito sa loob.” “Judgemental ka kasi,” natatawang wika ni Xander. “Tss. Sorry na agad.” Nakita kong pumasok si Xander sa isang silid kaya napansin ko ang magandang hagdanan patungo sa ikalawang palapag. Hindi iyon malaking bahay na katulad ng mga napapanood ko sa TV pero maaliwalas tingnan. Sa tingin ko ay kasya ang pamilyang may anim na miyembro sa bahay na ito. Kung hindi lamang nakakahiya ay baka umakyat na ako sa ikalawang palapag at tumingin-tingin. Pero pinigil ko ang sarili dahil maliban sa basa ako ng ulan ay medyo nilalamig pa ako. Ibinaling ko ang pansin sa mga larawang nakasabit sa dingding sa itaas ng hagdanan. Lahat ay portrait painting ng mag-asawa kasama ang kanilang isang anak na lalaki. Marahil ay iyon ang Lolo’t Lola ni Xander kasama ang Daddy niya. “Magbihis ka muna,” narinig kong wika ni Xander. Masyado akong naging preoccupied sa mga paintings kaya hindi ko naramdaman ang pagbaba niya mula sa ikalawang palapag. Nang balingan ko siya ay nakita kong inaabot niya sa akin ang hawak na puting tuwalya at nakatiklop na bulaklaking damit na kung hindi ako nagkakamali ay isang duster. “Naroon ang banyo,” turo niya sa isang pintuan malapit sa kusina. “Salamat,” sabi ko at saka kinuha ang dala niya ngunit agad din niyang iniwas. Nagtatakang tiningnan ko siya. Nakita ko ang paggalaw ng mga mata ni Xander. He shamelessly surveyed my body from head to toe! Mas nanlaki ang mga mata ko nang huminto ang paninitig niya sa aking dibdib. Nang tingnan ko ang sarili ay mabilis kong pinag-krus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib. Nakabakat pala ang suot kong bra dahil nabasa ang suot kong puting damit.The p*****t playboy just smirked. Tila ba nagustuhan pa ang naging reaksyon ko! “Bastos!” Padarag kong inagaw sa kaniya ang tuwalya at damit saka nagmartsa papunta sa tinuro niyang banyo. “You have a pair of nice boobs, Sienna!” pahabol niya na sinundan ng malutong na tawa. Malakas kong ibinagsak pasara ang pintuan at nagmadaling naglinis ng katawan. Ang damuho! Tuwang-tuwa tuwing inaasar ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD