Chapter 4

1618 Words
“SALAMAT,” sabi ko nang abutan ako ni Xander ng tasa na may lamang mainit na kape. Nakita kong umupo ito sa kabilang dulo ng couch habang ako ay nakasiksik sa kabila ring sulok. Itinaas ko ang mga paa ko at sininop ang lalaylayan ng suot kong duster at ipinatong doon ang tasa habang pinagmamasdan mula sa bintana ang patuloy na pag-ulan sa labas. Halos isang oras na kami rito at nalamnan na ang tiyan namin ng instant cup noodles na tanging laman ang cupboard. Ang pinag-aalala ko lamang ay si Nanay. Hindi niya alam kung nasaan ako. Hindi ko rin naman siya mai-text dahil wala naman akong dalang cellphone. Alam kong sa mga oras na ito ay nag-aalala na siya lalo na at masama ang panahon. Inilapit ko ang mukha sa umuusok na tasa para mainitan kahit kaunti. Nilalamig kasi ako lalo na at manipis ang duster na suot ko. Madali pa naman akong sipunin kapag malamig ang panahon. Inamoy ko ang mabangong aroma ng kape bago humigop ng kaunti. Nang tingnan ko si Xander ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. “Mamaya malalaman ko na lang in-love ka na sa ‘kin. Tigil-tigilan mo ang paninitig, Rodriguez.” Narinig ko na naman siyang natatawa kaya inirapan ko siya. May pailing-iling pa siya. “Napansin ko lang na bagay pala sa ‘yo ang duster ni lola. Lalo kang nagmukhang matandang dalaga,” sabi niya at humalakhak pa. “Hindi ka talaga pumapalya sa pang-aasar sa akin, ano? Minsan nga nagtataka ako, eh. Siguro kampon ka rin ni Samantha at binayaran ka niya para asarin ako, ano? Magkano ang talent fee mo?” naniningkit ang mga matang sabi ko sa kaniya. The p*****t playboy just laughed. “Paano, ang sarap mo kasing asarin. Pikon,” dagdag pa niya. “Ah,” tumango-tango ako. “Buti nga hindi pa kita hinampas ng vase, eh. Pasalamat ka’t magpakabait lang ang alam ko.” “You really never cease to make me laugh, Sienna.” Lalong lumapad ang ngiti ng luko-luko. “Gano'n? Ang ibig bang sabihin niyan, tinitingnan mo pa lang ako natatawa ka na? Mukha ba akong clown?” kunot-noong tanong ko. “Ayaw mo niyon, may napapasaya kang tao kahit wala ka pang ginagawa.” Dinampot ko ang throw pillow na itinatakip ko sa paa ko at binato kay Xander. Natatawa naman niyang nasalo at saka niyakap ang binato kong unan. “Ako ang hindi natutuwa sa ‘yo, Xander. Bukod sa bastos ka na ay hambog ka pa. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakandarapa sa ‘yo ang classmates natin pati na iyong ibang mga estudyante.” “Kapag nalaman mo kung bakit baka makisali ka pa sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Gusto mo ba ‘yon?” I rolled my eyes. “Duh, imposibleng mangyari iyon.” “Huwag kang magsalita ng tapos, Sienna. Baka magulat ka na lang isang araw, patay na patay ka na sa akin.” Humalakhak ako sa pinagsasabi ng abnoy na ito. “Hoy, Rodriguez! Hindi kita type at kahit magunaw ang mundo hindi ako magkakagusto sa ‘yo.” Tinaasan ko ng kilay si Xander nang tumitig siya sa akin. Mayamaya’y ngumiti ngunit hindi na nagsalita. Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana at sa nakikita kong lakas ng buhos ng ulan ay mukhang wala itong balak na tumigil. Kung alam ko lang na uulan ngayong araw ay hindi na sana ako lumabas para mag-jogging. Hindi sana ako ma-ii-stranded sa bahay ng grandparents ni Xander. Hindi ko sana natikman ang pang-aasar niya ngayon. Hindi ko naman inaasahang sasama ang panahon dahil maaliwalas naman ang panahon kanina. “Ano ba ang tipo mong lalaki, Sienna?” untag ni Xander maya-maya kaya napatingin ako uli sa kaniya. “Kailangan ko ba talagang sagutin ‘yan?” natatawa kong tanong. Mukha kasing seryoso ang mukha niya. Nakita kong nagkibit-balikat lamang si Xander. Ayoko na sana siyang kausapin dahil maaasar lang ako sa kaniya pero ang awkward naman kung magkaharap lang kami tapos hindi pa nag-uusap. Might as well spend my time talking kaysa ma-bored lang ako. Ibinaba ko ang tasa sa lamesita na naroon at niyakap ang mga tuhod ko. Malamig kasi ang hanging pumapasok sa nakabukas na bintana. “Well, ang gusto ko lang naman sa lalaki, eh hindi bastos, walang bisyo, mabait at responsible. Matulungin at may respeto sa babae. Syempre, gusto ko rin ang faithful na lalaki.” Narinig kong napapalatak si Xander. “O, bakit?” “Walang taong perpekto, Sienna. Sa panaginip mo lang makikita iyang ideal guy mo.” “Aba, malay mo naman at may ganoon talagang lalaki sa mundo.” “Sabihin na nating mayroon nga tapos makikilala mo. Pero paano kung hindi mo naman pala mahal?” My eyebrow arched. “Paano’ng hindi ko mamahalin, eh iyon nga ang lalaking gusto ko.” “Haven’t you heard of ‘you fall for someone that’s exception to your standards’, hm?” Umingos ako sa sinabi ni Xander. “Maniniwala ako kapag napatunayan ko na mismo.” “Haven’t you had a boyfriend, Sienna?” “Ano naman ngayon sa ‘yo? Hindi ko pa kailangan ang lalake sa buhay ko ngayon. Hindi naman kasi ako katulad mo na papalit-palit ng girlfriends.” “Whoa! Mabigat na paratang iyan, Sienna Ransley! Ni hindi pa nga ako nagka-girlfriend.” Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko si Xander. “Hah! Maniwala ako sa ‘yo.” “Promise.” “Eh, anong tawag mo roon sa mga babaeng kung makakapit sa ‘yo ay parang tuko? Linggo-linggo iba-ibang babae ang kasama mo.” Xander grinned. “Hindi ko alam na updated ka pala sa buhay ko, Sienna. Hm, have you heard the word ‘crush’?” Muli kong binato si Xander ng napulot kong throw pillow at sumapol iyon sa mukha niya. Pero imbes na mapikon ay natawa pa bruho. “Hindi kita crush, Rodriguez! Kahit naman ayoko ay may maririnig pa rin akong chismis tungkol sa ‘yo.” “Lilinawin ko lang, Ransley. Hindi ako papalit-palit ng girlfriends. Kapag nakita mo akong isang babae lang ang kasama ko nang matagal ay saka mo sabihin na iyon ang girlfriend ko.” “Tss. Isa ka palang dakilang paasa.” “Hindi ko kasalanan kung umaasa sila.” “Conceited.” “Hindi. Guwapo lang talaga.” “Jusko. Bahala ka. Ikaw na lahat.” Xander chuckled. “Since wala kang boyfriend, sino na lang crush mo sa Kingsville?” tanong niya. “Bakit ba interesado ka sa love life ko, ha? Siguro ikaw ang may crush sa akin, ‘no?” Tumawa si Xander. Napapansin kong kanina pa siya tawang-tawa. Aba, masaya! “Hindi ka rin pala assuming,” taas-kilay na wika ni Xander. Hindi pa rin nawawala ang naka-plaster na ngisi sa kaniyang mukha. “Tanong ka kasi nang tanong. Mind your own business, okay?” “What if I’m making you… my business.” Napatitig ako sa kaniya nang biglang nagseryoso ang mukha niya. “Sinasabi mo riyan?” tanong ko ngunit umiwas ng tingin. Umisod si Xander papalapit sa akin hanggang sa madikit na ang hita niya sa paa kong nakapatong sa couch. Gustuhin ko mang umisod palayo pero nasa sulok na ako. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. “What if I tell you I like you, Sienna?” Namimilog ang mga matang napatitig ako kay Xander. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya dahil seryoso ang mukha niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kasi inaasahan ang narinig mula sa kaniya. Like hello? Magugustuhan ba ng isang Xander Rodriguez ang isang Sienna Ransley? I mean, oo magkaklase nga kami at sabi niya'y magkaibigan raw kami pero malayo ang agwat namin sa isa’t isa. Maliban sa mayaman ang pamilyang pinanggalingan niya ay popular pa siya sa school. Samantalang ako ay ‘nobody’ kung tawagin. Inayos ko ang salamin ko sa mata at napalunok. Pinag-iisipan ko ang sasabihin ko nang marinig na bumunghalit ng tawa si Xander. I almost cursed him in my mind. Kung nakamamatay ang tingin ay tiyak kong dead on the spot na bruhong ito! “Kung nakita mo lang ang mukha mo, Sienna,” wika niya sa pagitan ng pagtawa. “Look, namumula na ang mukha mo, oh!” dagdag niya na itinuro pa ang mukha ko. Tinapik ko ang kamay niya sa inis at masama pa rin siyang tinitigan. Ang damuho! Pinagti-tripan lang pala ako at ako naman itong tanga akala ay seryoso siya. Kakainis! “Hindi ka nakakatuwa, Rodriguez!” halos suntukin ko na siya sa inis. “Sorry na, sorry na,” sabi niya na nagpahid pa ng luha sa kakatawa. “Hindi ko lang kasi inaasahang ganoon ang reaksyon mo. Sigurado ka bang wala kang crush sa akin?” “’Langya ka! Hindi ikaw ang crush ko para malaman mo. Si Shin! Si Shin! O, inulit ko na para klaro, ha?” naiinis pa ring sabi ko. Wala akong planong ipaalam sa kahit na kanino na crush ko si Shin. Ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang kay Xander ko pa masabi. Sa matalik na kaibigan ni Shin. Sandaling natahimik si Xander. Inagaw ko mula sa lap niya ang throw pillow at niyakap. Naiiritang ibinaling ko ang pansin sa ulan sa labas. “Shin, huh?” “So?” “May Clarisse na ‘yon.” “Alam ko,” balewalang sagot ko kahit ang totoo ay nakakaramdam ako ng kaunting selos. Lalo naman kapag nakikita ko silang dalawa sa school na magkasama at sweet sa isa’t isa. “Atleast, hindi siya katulad mo.” “Sabi mo, eh,” maikling sagot niya. Ilang sandali pa ang lumipas at hindi na umimik si Xander. Buti naman at nagsawa na rin siya sa pang-aasar. “Huwag mong sabihin kay Shin. Secret lang natin ‘yon,” paalala ko sa kaniya kahit hindi ko magawang tingnan siya ng diretso. Nag-aalala rin kasi ako na baka sabihin niya kay Shin at madagdagan na naman ang panunukso nila sa akin. Buti sana kung silang dalawa lang ang nanunukso kaso nakikisali pa sina Ethan at Levi. “Hindi ko naman talaga sasabihin. Ano naman pake ko sa feelings mo sa kaniya.” Na-offend ako sa sinabi ni Xander pero hindi na ako umimik pa. Oo nga naman. In the first place ay hindi naman niya dapat nalaman. Isa pa’y crush ko lang naman si Shin. Hindi ko pa nararamdaman sa sarili kong gusto-gusto ko siya. Hindi ko rin maintindihan itong si Xander. Kung kanina ay halos hindi siya maawat sa kakatawa ngayon naman ay tila napikon na siya. Siya na nga itong nang-aasar tapos siya pa ang naunang napikon? Ibang klase talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD