Chapter 5

1212 Words
PASADO alas nueve ng umaga nang tumila ang malakas na ulan. Nagpalit agad ako ng natuyo kong damit. Buti na lang at may dryer ang bahay. Nakapagbihis na rin si Xander ng suot niya kanina. Akma na sana akong lalabas nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa braso ko. “May sisilipin lang ako sa likuran. Baka gusto mong sumama?” sabi niya. “O, sige,” patiayon ko. Hindi ko alam kung ano pa ang titingnan niya sa likod ng bahay pero sumunod na rin ako. Siguro ay hindi naman kami magtatagal. Nang makalabas kami sa back door ay bumungad sa amin ang mga baging na tila arko. Lumipad ang tingin ko sa may tubig na kumikislap pa dahil sa tama ng sikat ng araw. Nanlaki ang mga mata ko at lakad-takbong lumapit sa tubig. Namamanghang inilibot ko ang paningin sa paligid. “Ang ganda dito!” hindi ko napigilang bulalas. Naramdaman ko ang pagtigil ni Xander sa tabi ko. “Man-made lang ang pond na ito.” “It’s beautiful, nevertheless,” sabi ko. Hindi ko na siya nagawang lingunin dahil binubusog ko ang mga mata ko sa magandang tanawin. “Ito ang pinakamagandang lugar na nakita ko rito sa San Lorenzo,” may pagmamalaki sa boses na saad ni Xander. “I couldn’t agree more,” sang-ayon ko. “Mabuti at nagustuhan mo itong lugar.” I nodded and smiled. “Sobrang ganda dito. I love the trees that were planted on the side of this lagoon. I love the crystal clear water, I love the green grass where we’re standing! Para itong paraiso!” I exclaimed. Hindi ko lang talaga mapigilan ang mapahanga. Sa mga malalayong probinsya lang ako nakakakita ng ganito. Sa google images pa! “Ang sabi ni Lolo kapag gusto ko nang mag-settle down ay maaari kong itira ang magiging pamilya ko rito.” “Masuwerte siya kung ganoon,” mahinang usal ko. Sa kaibuturan ng puso ko ay nakadama ako ng panghihinayang at selos. Nanghihinayang ako dahil napakaganda ng lugar na ito. Walang sinumang babae marahil ang hindi ito magugustuhan. At selos sa babaeng siyang nakatakdang mapangasawa ni Xander. She’s very lucky! Nang sulyapan ko si Xander ay nakita ko siyang nakatingin sa akin. “O, bakit?” He slowly shook his head. “In the mean time, I’m giving you permission to borrow this place. Halatang-halata kasi na gusto mo rin itong lugar.” Malapad akong napangiti dahil sa narinig na sinabi ni Xander. “Talaga? Hindi magagalit ang mapapangasawa mo?” He chuckled. “Hindi naman siguro since hindi pa niya alam na siya ang gusto kong makasama habang buhay.” Umangat ang isa kong kilay habang nakatitig sa kaniya. Natawa si Xander. “Wala pang mapapangasawa, Sienna. Kaya ipanatag mo ang loob mo,” aniya. “Iyong-iyo muna sa ngayon ang lugar na ito.” “Iyan ang pinakamagandang sinabi mo mula kanina,” wika ko na muling inilibot ang paningin sa kabuuan ng lagoon. Ilang sandaling namayani sa amin ang katahimikan nang may maalala akong itanong kay Xander. “Hindi ba at uso sa inyong mayayaman ang arranged marriage? Paano kung sosyal ang babaeng mapapangasawa mo tapos hindi komportable sa buhay dito? Medyo malayo rin ito sa syudad.” “Hindi ko naririnig ang ganiyang usapan sa pamilya namin. My parent’s marriage wasn’t arranged. Magkaibigan sila noon at sa nakikita ko ay mahal na mahal nila ang isa’t isa.” “Kung ganoon ay masuwerte ka sa mga magulang mo. Ako kasi lumaki na tanging si Nanay lang ang magulang. Ni hindi ko nga alam ang mukha ng tatay ko.” “Ngayon ko lang na-realize na matagal na tayong magkakilala pero wala pa akong alam tungkol sa ‘yo, Sienna. Well, of course maliban sa may bakery kayo at masarap ang lahat ng baked goods ninyo.” Nakangiti akong bumaling kay Xander na pinaningkitan siya ng mga mata. “Well, is this the getting-to-know-each-other stage na ba?” Tumawa si Xander. “Silly. Wala akong ibang ibig sabihin.” “I’m just kidding. Alam ko namang hindi ako ang tipo mo at hindi naman ikaw ang tipo kong boyfriend,” sabi ko na tumingin sa malinaw na tubig. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. I felt like he was offended with my words kaya mabilis akong umisip ng paliwanag. “Ang ibig kong sabihin, hindi kita type na boyfriend kasi sobrang guwapo mo. Marami akong magiging kaagaw sa ‘yo. Ayokong ma-stress,” tumawa ako ng peke. Bigla akong nakadama ng pagkailang dahil sa paninitig ni Xander. I heard him cleared his throat but continued to stay silent. Hindi ba sapat ang paliwanag ko? Hindi ba siya naniwala? “Sorry na. I didn’t mean to offend you,” mahinang wika ko. Ilang sandali niya muna akong tinitigan bago unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Wala ‘yon. Hindi naman ako na-offend. Saka huwag kang assumera, ha?” “Hindi talaga. Sinasabi ko lang,” pairap kong sagot. “Bakit mo naman nasabing hindi kita type? Wala ka bang bilib sa ganda mo?” Napataas ang kilay ko sa huling sinabi ni Xander. “Saan banda?” I laughed. “Every girl deserves to feel beautiful, you know.” “Heh! Kung ‘di ko lang alam na magaling kang mambola. Mga ganiyan siguro ang linya mo tuwing nakakausap mo ‘yong mga nililigawan mo, ano?” Xander chuckled. “Bakit ako na naman ang inaaway mo? Pasalamat ka at pinupuri kita, eh.” “Pinupuri,” bulong ko sabay irap sa kaniya. Natawa na naman ang damuho! Napailing na lang ako at hindi na umimik pa. Lalo lang hahaba ang asaran namin ni Xander dahil lahat yata ng sinasabi ko ay hinahaluan niya ng biro. We stayed silent for a moment. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paninitig sa magandang lagoon kahit nakikita ko sa peripheral vision kong nakatingin sa akin si Xander. “Bakit hindi mo itanong sa nanay mo ang tungkol sa tatay mo?” tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan. Napakurap-kurap ako at saka bumuntong hininga. “Ilang beses kong sinubukan pero lagi siyang umiiwas na pag-usapan ang tungkol kay Tatay,” malungkot na sabi ko. Kahit naman kasi gustuhin kong malaman ang tungkol kay Tatay ay wala naman akong mapagkukunan ng impormasyon bukod kay Nanay. Hindi ko alam kung may itinatago si Nanay sa akin o sadyang ayaw lang niyang maalala at balikan pa ang mga alaala nila ni Tatay. Anoman ang rason niya ay minabuti ko na lang na respetuhin iyon. “I’m sorry to hear that, Sienna.” “Okay lang ‘yon. Matagal ko nang natanggap na wala akong tatay. Ayos naman kami ni Nanay. Masaya naman kami,” sabi ko na ngumiti kay Xander. Hindi ko matagalan ang paninitig ni Xander kaya umiwas ako ng tingin. Ilang sandali pa’y humakbang siya papalapit sa mayabong na puno ng mangga. Nakita kong may pinulot itong maiksing stick at nagsimulang umukit ng mga letra sa katawan ng puno. “Ano na naman ‘yan?” nagtataka kong tanong nang makitang letra ng pangalan ko ang inuukit niya. “Katibayan na sa ‘yo ko lang ipinapahintulot ang lugar na ito. I changed my mind. Hindi ko na ititira rito ang mapapangasawa ko. Kawawa ka naman kasi.” He gave me an annoying smirk. Hinampas ko siya sa balikat na ikinatawa niya. “Baliw ka talaga,” natatawa ring saad ko. Nang matapos siya sa ginagawa ay nakangiting pinagmasdan ko ang inukit niyang pangalan ko. “Sienna,” mahinang usal ko. “You got a nice name, Sienna. Kaya huwag ka nang malungkot. Pinuri na nga kita, eh.” “Tsk,” sinamaan ko siya ng tingin. “Hay naku, Alexander. Uuwi na ako. Malapit na talaga akong mapikon sa mga pang-aasar mo,” sabi ko na nauna nang humakbang paalis. Narinig ko pa ang natatawang pagtawag sa akin ni Xander pero hindi ko na siya pinansin. Surely, that Rodriguez guy was born to annoy me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD