Chapter 8

1757 Words

HINDI pa rin maawat ang halakhak ni Xander habang palabas na kami ng mall. Pinagtatawanan pa rin ako ng damuho dahil sa nangyari kanina. Malakas ko siyang pinalo sa braso dahil sa nakakainis na tawa nito. “Kung hindi ko sinabi iyon kay Nicole siguradong kukulitin ako niyon. You’re my saviour, Sienna. Thanks,” nakangising sabi nito. “Saviour? Muntik na akong mamatay dahil sa ‘yo! Lintik ka!” Natawa na naman si Xander. Inirapan ko siya. Paano kasi ay hindi ko napaghandaan ang ginawa nitong rebelasyon kay Nicole kanina. Ni walang abiso. Walang warning. Sino naman ang hindi mabibigla gayong sinabi nito sa aktres na ako ang girlfriend niya? Malakas niya akong hinila palapit sa kaniya nang muntik na akong masagi ng taxi na dumaan. “Careful, Sienna.” Pinalis ko ang kamay niyang nakahawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD