*Mariano’s Pov* — Matapos ang masinsinan naming pag-uusap ni Bernard kagabi, umuwi rin siya dahil maaga pa itong magbubukas ng karinderya. Ibinilin na lang niya sa akin si Zandria, kaya maaga akong nagluto ng makakain niya. Dahil kailangan ko din pumunta sa pinapagawa kong apartment. Malapit lang naman dito pwede naman akong pumunta saglit doon bago bumalik dito. Nilagang baboy ang niluto ko para pagpawisan siya, nang malambot na yung karne at mga gulay na sahog niya. Pinatay ko na yung gas stove, bago kumuha ng mangkok. Tumingin ako sa wall clock alas-sais pa lang ng umaga, gising na kaya si Zandria? Lumakad ako patungo sa kwarto, para tignan if gising na ba siya. Mahimbing pa rin siyang natutulog, kaya maingat ang bawat galaw ko palapit sa kanya. Maingat akong tumabi at niyakap mul

