Kahit gabi na ay pumunta si Bernard sa hotel kung saan tumutuloy ang kanyang kaibigan. Napapaisip siya if anong sasabihin ni Mariano sa kanya, lalo na sa sinabi nitong tamang panahon. Nag-doorbell siya agad namang bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Mariano. “Pumasok ka Bernard, nasa taas si Zandria mahimbing ang kanyang tulog. Medyo bumaba na rin yung lagnat niya.” Balita ni Mariano sa kanya, tumango nama siya bilang tugon, tuluyan na siyang pumasok sa loob. “Ano pala ang pag-uusapan natin?” Tanong niya kay Mariano bago umupo sa sofa. “Kape o alak?” Pabalik na tanong ng kaibigan sa kanya. “Kape lang ako ngayon mukhang seryoso ang pag-uusapan nating dalawa. Tungkol ba saan?” Sagot niya na may kasamang pagtatanong, umayos siya sa pagkakaupo. Ngumiti lang si Mar

