```` Nakaramdam ng pagkabalisa si Jada habang hinihintay na dumating ang ama ng kaibigan. Wala pa ring malay si Zandria na hindi inaasahan dahil sa biglaang pagbagsak niya kanina sa kanilang P.E. class. Buti na lang at nasalo siya ng isa nilang kaklase. Tumingin siya sa pinto nang bumukas ito, nakahinga ng maluwag si Jada dahil dumating na ang ginoo. “Anong nangyari sa kanya? Ano ang sabi ng doctor?” Sunod-sunod na tanong ni Bernard sa kaibigan ng anak. Habang nakatingin kay Zandria. “Bigla po siyang nahilo kanina, dito na sinugod dahil wala ang nurse sa clinic. Hinihintay po kayo ng doctor dahil sa inyo raw sasabihin, tinawagan ko na rin si Uncle Mariano. Nasa byahe na po siya ngayon, papunta rito.” Magalang na sabi niya sa ginoo, tumango naman si Bernard bilang sagot. “Salamat Jada

