*Mariano’s Pov* —— Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan kami magkita-kita ng dalawang shareholder na inalis ni Corazon. Dahil hindi maganda ang naging usapan nilang tatlo nina Butler Peter. Gusto nila akong makausap in-person mabuti na lang at kahit papaano ay hindi muna ako sasakay ng barko. May kumatok sa pinto ng vip room na kinuha ko, pagbukas ay si Butler Peter kasama ang dalawang shareholders. Tumayo ako sa upuan ko, para makipag-handshakes sa kanila bilang paggalang. "Masaya akong makita kang muli, Mr. Mariano," nakangiting sabi ni Mr. Merino sabay abot sa kamay ko, kasunod si Mr. Dayao. "Hindi kami sigurado kung makakarating ka, dahil nabalitaan namin na sasampa ka na ulit sa barko," dagdag ni Mr. Merino. "Kung tutuusin, hindi ko na itutuloy ngayon dahil sa isang isy

