*Mariano’s Pov* — Naging busy si Zandria sa school dahil inaasikaso nila ang kanilang thesis. Nagpapasundo na lamang siya sa labasan, at halos gabi na itong umuwi halatang laging pagod. Minsan ay nakakatulog na siya sa kotse habang pauwi kami ng bahay nila. "Napapansin mo ba ang pag-uwi ni Zand?" Seryosong tanong sa akin ni Bernard. "Oo nagtataka na rin ako, yun ba ang tinutukoy mong lagi siyang late kung umuwi?" Pabalik kong tanong sa kanya, tumango naman siya habag hinahalo ang ulam namin ngayon gabi. "Minsan madaling araw pa yan nakakauwi, ano ba ang sabi sayo?" Muli niyang tanong sa akin. "Sa thesis daw nila, inaayos dahil maraming errors. Magre-defence ata sila next semester dahil maraming naging problema. Kaya siguro todo ayos sila." Paliwanag ko sa kanya, nanatili lang siyang

