*Zandria's Pov* ___ Matapos ang double date na yun, wala pa rin pinagbago sina Rhodes at Uncle Mariano. Sa tuwing magkikita ay akala mo nagpapatayan. Nagsimula na rin ang kalbaryo ko. Dahil kahapon ay tinawagan ako ng dati kong boss, tinatanong if gusto kong magtrabaho ulit sa kanila. Sinabi kong pag-iisipan ko mo na dahil bantay sarado ako ngayon ni Uncle Mariano. Lagi siyang nandito sa bahay, tapos hatid sundo pa ako sa school kaya inis na inis si Rhodes. Halos araw-araw na kasi niyang hinahatid ang matalik na kaaway si Jada. Half day lang ang klase ko ngayon kaya maaga akong umuwi, as always sinundo na naman ako ni Uncle Mariano. Pagkakataon ko ng pumunta ngayon sa restaurant pero mukhang nakaamoy. Aha alam ko na ang dapat kung ipaalam sa kanya. “Ian, may usapan po pala kaming mg

