*Mariano’s Pov* — Nandito na kami sa bahay nila Yamir, pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay sinalubong na ako ng kanyang anak. “Ninong Mariano..” Masaya niyang tawag sa akin, kaya agad ko siyang binuhat, yumakap naman ‘to sa akin. Marami silang mga bisita at bata dahil may clown, nagpakuha ng mesa si Yamir para sa amin dahil wala ng pwesto. Malaki na rin ang ipinagbago ng bahay niya, merong parte pa na hindi tapos kaya tinakpan muna nila ng yero. “Uy aye ako rin ninong mo bakit wala akong hug?” Tanong ni Erasmus pero lalo lang niyang isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. “Mukha ka raw tubol bulong niya sa akin.” Pang-aasar ko sa kanya napanguso naman siya bago muling naglakad. “Alam niyo kung bakit si Mariano ang una niyang pinuntahan, dahil yung regalo. Asan na raw ang pinangako

