```` Maagang nagising si Mariano at agad na tinawagan ang asawa dahil baka nagtatampo na ito sa kanya. Nakailang ring mo na bago sinagot ni Zandria ang tawag. “Hello hubby, good morning.” Paos na boses niyang bati kay Mariano. “Good morning din baby, pasensya ka na kung ngayon lang ako tumawag sayo may naging problema kasi sa kompanya. Paalis pala ako ngayon pupunta kami sa agency, mag-breakfast ka na hah.” Umungol lang si Zandria bilang sagot dahil inaantok pa siya. “Sige na matulog ka na ulit tatawagan na lang kita mamaya okay, I love you baby miss na miss na kita.” Paglalambing niya sa asawa. “Ingat ka sa pupuntahan mo, wala akong pasok ngayon pero ang dami kong assignments. Mag-almusal ka na din, I love you more and I miss you too much. Alam mo hubby lagi akong late dahil sa traf

