*Zandria’s Pov* — Hindi ako makatulog dahil panay ang tingin kay Ian, natatakot na baka pag gising ko wala na siya sa aking tabi. Hinaplos ko ang mukha niya habang mahimbing siyang natutulog. Hindi ba pwedeng dito ka na lang? Hindi ba pwedeng lagi na lang tayong magkasama? I assumed everything would be fine when we got married. Buong akala ko lang pala iyon dahil darating din yung araw na kinakailangan mo ulit akong iwan; kahit almost three months ka na dito, hindi pa rin sapat. Sana dito ka na lang hubby at hindi mo ako iiwan kaagad; manatili ka lang sa tabi ko. Sobrang mamimiss kita, mahihirapan na naman akong mag-adjust. Kinurot ko ang aking pisngi dahil napapapikit na ako. Alas-kwarto na ng madaling araw, ilang oras na lang magkakahiwalay na kaming dalawa. Bakit parang ang bilis n

