Nakipagmatigasan si Ze sa mga nanang niya. Hindi siya kumain ng hapunan at lalong hindi niya kinausap ang mga ito sa loob ng ilang araw. Handa na siyang lumaban para kay Dwien at kahit pa palayasin siya ng mga nanang niya ay wala siyang pakialam. Sa loob ng bahay ay para silang hindi magkakakilala. Hindi kasi sila nag-uusap nang mga lumipas na araw. Hindi man gusto ni Ze na bastusin ang mga tiyahin niya ngunit sa kaniyang isip ay kailangan niyang maging matigas para sa kaligayahan niya. "Lalayuan mo si Dwien!" sabi ni Nanang Joan. Wala itong pakialam kahit kumakain pa siya ng almusal. Bahagyang uminom si Ze at saka itinuloy ang pagkain. Para siyang bingi na walang naririnig. "Bastos!" Binatukan ni Nanang Clara si Ze kaya napasubsob ito sa plato. Kahit gusto nang tumulo ng kan'yang

