Panay ang reklamo ni Ze habang naglalakad sila paakyat ng bundok. Sa kagustuhan ni Dwien na madalas silang magkasama ay gumawa ito ng maraming aktibidad na gagawin ng grupo nila tuwing Sabado at Linggo, araw na wala silang pasok sa munisipyo. Ang magkasintahan lang ang may alam na kaya iyon ginawa ni Dwien ay para magkasama sila. Ngunit ang serbisyo na kanilang ginagawa ay bukal naman sa kanilang mga puso. "Ze, mabuti at pinayagan ka ng iyong mga nanang," sabi ni Luz. "Basta tungkol sa kawang-gawa, ihuhulog pa nila ako sa hagdanan para lang umalis ako ng bahay," sagot ni Ze. "Sa palagay ko, dapat kong i-suggest kay Dwien na damihan pa ang ganitong activities natin para makaalis-alis ka naman ng bahay," sabi ni Luz. Napangiti si Ze. Sa kanilang grupo kasi ay natagpuan niya ang kal

