Halos hindi na makagulapay si Dwien dahil sa labis na kalasingan. Hiniling kasi ng kapitan na mag-inuman sila pagkatapos siyang iligtas nito. Ang engineer na tauhan ni Simon ay biglang lumayas sa barangay na iyon pagkatapos pagbantaan ng mga tao roon. Batid kasi ng mga mamamayan na gusto lamang i-frame-up ng mga kasamahan niya si Dwien kaya nang makita ng kapitan ang ginawa ng isang engineer ay agad itong kumilos upang iligtas ang binata. Tinakot niya rin ang mga pasaway na tauhan ni Simon. Palibhasa'y batid ng mga ito na hindi takot ang kapitan sa mayor kaya agad silang nagpulasan. Gano'n na lang kung asikasuhin si Dwien ng mga taga Brgy. San Rafael. Ang mga taong sinasabing rebelde ay mga taong mapagkawang-gawa pala at magaling makipag-kapwa-tao. Dahil doon ay nagkaroon si Dwien ng in

