Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakipagtitigan si Ze sa kan'yang mga nanang. Hindi niya gustong sumama sa kan'yang daddy. Lalong hindi niya gustong iwan si Dwien. Handa na siyang suwayin ang mga ito kung ipagpipilitan nila ang kagustuhan nila. Batid niyang galit na ang dalawang matandang dalaga. Nabigla rin sila sa inasal niya. Subalit handa na siya sa magiging kapalit ng ginawa niya. "Zeikera," nanggigigil na tawag ni Nanang Joan sa pangalan niya. "Sasama ka na sa iyong daddy para maging malapit kayong dalawa sa isa't isa. Panahon na rin para alagaan ka niya." "Kung ayaw na po ninyo sa akin, nanang, lilipat na lang ako ng ibang bahay. Maghahanap ako ng paupahan sa bayan. Subalit hindi ninyo ako mapipilit na sumama kay daddy," matapang na pahayag ni Ze. "Sumama ka na, anak, para ma

