Biglang napatayo ang mga nag-iinuman na kasapi ng grupo nina Dwien at Ze nang parang ipo-ipo na dumaan si Nanang Clara sa bahay ni Mamang Jessa. Nagtatanong sila sa isa't isa kung si Nanang Clara ba talaga ang dumaan o hindi. "Ang toro ni Mang Jun, may hinahabol na naman yata!" malakas na wika ni Marco. "Parang ang Nanang Clara mo ang hinahabol, Ze." Mula sa pagkakaupo ay napatayo si Ze. Nakaramdam siya ng matinding takot, hindi dahil para sa tiyahin niyang hinahabol ng toro kun'di para sa kan'yang sarili. "Nakatali naman ang toro ni Mang Jun, kaya imposible na may habulin ito at…" Subalit muling dumaan sa bahay ni Mamang Jessa ang hinihingal na si Nanang Clara. Malinaw na nakita ng kanilang mga mata na hinahabol nga ito ng toro. Ang malakas na sigaw nito na humihingi ng tulong ay

