Pinagpawisan ng malapot si Dwien at nag-isip siya kaagad kung ano ang pwede niyang ibigay na dahilan kay Ze. Isang malaking pagkakamali kasi ang nagawa niya. Dahil binigay niya kay Ze ang kan'yang isang cellphone kaya siya nagla-log-in ng dalawang account sa iisang cellphone lamang. Iyon ang dahilan kaya hindi sinasadya na nagamit niya ang kan'yang tunay na account sa pagkomento sa post ni Ze. "Hello. Ano itong comment mo? Papansin ka," inis na wika ni Ze. "Hindi ka na mabiro. Alam ko naman kasi talagang sinusuportahan mo ako. Oo na nga. Sige na. Nagpapapansin lang," kabado na sagot ni Dwien. "Hala! Kahit hindi mo gawin iyon ay napapansin kita," saad ni Ze. Nang matapos mag-usap ang magkasintahan ay parang baliw si Dwien na tumatalon habang hawak ang cellphone niya. Sinita naman si

