Malakas ang sigaw ni Stephanie habang nakalublob sa putik na lubluban ng kalabaw. Gabi na at galing sila ni Simon kanina sa isang motel. Naglalakad siya pauwi nang biglang may ingay na hindi niya mawari mula sa kahuyan na dinaanan niya. Sa sobrang gulat n'ya ay napatakbo siya ng walang direksyon. "Bwisit! Ang baho! Amoy tae ako ng kalabaw!" malakas na sabi ni Stephanie. Dinig iyon nina Luz na nagtatago lang sa kakahuyan. Halos himatayin sa katatawa ang magkakaibigan. Naiganti na nila si Ze sa babaeng haliparot na sanhi ng paghihirap ng kanilang kaibigan. Panay ang tungayaw ni Stephanie habang naglalakad. Kinabukasan, parang walang nangyari na pumasok si Stephanie sa trabaho. Pa-kanding-kinding pa ito na tila ba inaakit ang mga lalaking napapatingin sa kan'ya. "Ze, linisin mo ang opis

