CHAPTER 36

1771 Words

Lumipas ang halos isang buwan. Patuloy lang sa pambubulabog si Simon subalit hindi siya nagtagumpay. Hindi niya magawang tuluyang paghiwalayin ang magkasintahan dahil takot siyang masira ang pangalan niya. Pinaghahandaan kasi niya ang nalalapit na eleksyon. Sina Dwien at Ze naman ay abala sa pag-aasikaso ng kasal na magaganap sa buwan ng Nobyembre. May tatlong buwan pa sila at gusto ng dalawa na personal nilang asikasuhin ang lahat. Kahit kinamumuhian pa rin si Dwien ng mga nanang ni Ze, nakakausap na ng binata ang mga ito paminsan-minsan. Nakapupunta na rin siya sa bahay ng mga matatandang dalaga at iniigiban niya ng tubig ang mga ito. "Bakla, 'pag sinaktan mo si Ze ay mananagot ka talaga sa akin," banta ni Nanang Joan kay Dwien. Ngumiti si Dwien at pilit na pinayapa ang nagagalit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD