Chapter 1

1171 Words
Ang Brgy. San San Diego ay matatagpuan sa Timog-Silangan ng Luzon. Ang lugar na ito ay kilala sa pagiging konserbatibo. Ang mga bata ay lumalaking may takot sa matatanda at sa Diyos. Doon namulat at nagkaisip sina Aldwien Benzon at Zeikera Paras. Si Aldwien ay kilala ng mga kabarangay nila bilang Dwien. Matalino siya kumpara sa karamihan. Angat din ang kaniyang kagwapuhan lalo at pansinin siya dahil sa mahaba niyang pilikmata. Sa tangkad niyang 5'7 feet ay madalas siyang yayain sa mga liga ng basketball subalit panay naman ang tanggi niya. Si Zeikera o Ze kung tawagin ay madalas na nasa loob lamang ng bahay. Marami kasing ipinagbabawal ang kaniyang mga tiyahin. Ang magandang hubog ng kaniyang katawan ay itinatago ng mga bestidang palaging suot niya. Ang nangungusap niyang mga mata ay natatakpan ng makapal na salaming pilit ipinasuot ng mga nanang niya. Noong bata pa lamang sila ay madalas na magkalaro ang dalawa. Patago nilang ginagawa iyon dahil pinagbabawalan si Ze ng mga tiyahin niya na makipaglaro kay Dwien. Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip na sila ay lalong tumindi ang galit ng mga tiyahin ni Ze kay Dwien. Hindi naman iyon maintindihan ng magkaibigan pero kahit anong tanong nila sa mga matatanda ay walang gustong magsalita. Dahil lumaking masunurin kaya kahit labag man sa kaniyang kalooban ay unti-unting lumayo si Ze sa kaniyang kaibigan. Si Dwien naman ay naging binabae na simula ng tumuntong sila ng highschool. Sa isip ni Ze ay marahil nahawa na ito ng Mamang Jessa ng binata. Kaya ang damdamin niya para sa lalaki ay pilit niyang binubura. "Ayokong nakikita kang nakikipag-usap sa alaga ni Jessa. Baka mahawa ka niya," sermon ng Nanang Clara ng dalaga. "Opo," maikling sagot ni Ze. Buong barangay ay alam na alaga lamang ni Mamang Jessa si Dwien. Siya ay isang baklang may-ari ng salon sa Ildefonso. Ito ang nakakasakop na munisipyo sa San Diego. Wala pang kalahating oras ang byahe kaya naman sa San Diego pa rin umuuwi ang mga kabarangay nilang nag-aaral o nagtatrabaho doon katulad na lamang ng magkaaway na ngayong sina Dwien at Ze. "Iyang baklang iyan, naku, hindi naturuan ng tama ang alaga niya," sabad ni Joan, ang isa pang matandang dalaga na kapatid ng papa ni Ze. Ito ang panganay sa tatlong magkakapatid. Tahimik lang si Ze habang pinagagalitan siya ng kaniyang mga tiyahin. Hindi siya sanay na sumasagot sa mas nakakatanda sa kan'ya kaya kapag ganoon ay nakikinig lang siya. Ang totoo ay pagod siya. Kauuwi lang kasi niya galing sa munisipyo kung saan ay pareho silang nagtatrabaho ni Dwien. Nakita ng mga tiyahin ni Ze na magkasunod bumaba ng jeep ang dating magkaibigan kaya nauwi sa sermunan ang dapat sanay pahinga ang dalaga Palaging ganoon ang sitwasyon at usapan nila sa loob ng bahay kapag nakikita siya ng mga ito na nabubuntutan ng mapang-asar namang lalaki. "Sige na. Umakyat ka na sa taas. Bumaba ka kaagad at magdadasal pa tayo," sabi ni Clara. Ito ang bunso sa tatlong magkakapatid. Panganay ang Nanang Joan niya, pangalawa ang papa ni Ze at si Clara nga ang bunso. Maraming nagsasabi na sa Nanang Clara niya nagmana si Ze dahil kahit apatnapu na ang babae ay bakas ang kagandahan nito. Si Ze ay hindi maitatanging kadugo ni Clara dahil ang dalagang nasa bente-uno anyos pa lang ay isa na sa pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan sa lugar nila. Sadyang takot lang ang ilan sa mga tiyahin ng dalaga. Pagka-akyat ay nahiga si Ze sa katreng tulugan niya. Gawa iyon sa kawayan na pinatungan ng foam para maging malambot at hindi sumakit ang likod ng dalaga. Kinuha ni Ze ang cellphone niya. Hindi man iyon makabago ay sapat na para makabasa siya ng mga libro doon mula sa app na F2Reads. Tiningnan n'ya muna kung may update na ba ang paborito niyang author na si Kisses. Nang makitang wala pa ay pumikit saglit ang dalaga. "Kainis ka talaga, Dwien. Ang landi mo," gigil na sabi ng dalaga. Gusto niyang sugurin at sabunutan ang kababata niyang bakla ngunit nagpigil siya kanina. Habang kausap n'ya kasi si Simon sa trabaho niya ay lumapit si Dwien sa kanila at hinarot nito ang mayor ng bayan nila. "Zeikera, bumaba ka nga riyan. Pumunta ka muna kina Sonia at hingiin mo ang bayad sa utang nila bago tayo magdasal," tawag ng Nanang Clara ng dalaga. "Saglit lang po. Magbibihis lang po ako." Naiinis na kumuha si Ze ng damit sa cabinet niya. Hindi sinasadyang sa paghila niya ng damit ay nalaglag ang picture frame kung saan nakalagay ang larawan nilang mag-anak. Wala sa loob na hinaplos ni Ze ang salamin ng picture frame at hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. "Kung buhay ka siguro mama ay masaya pa rin tayo katulad noong bata pa ako. Baka sakaling hindi nakalimutan ni papa ang pagiging ama niya sa akin." Ilang minuto ring tiningnan ni Ze ang lumang larawan nila. Gamit ang likod ng palad niya ay pinunas niya ang kaniyang mga luha. Nagbihis ang dalaga ng damit. Ang kaniyang pang-opisina ay pinalitan niya ng maluwag na t-shirt at jogging pants. Ganoon palagi ang suot ng dalaga para maitago ang maputi niyang hita. Ayaw niya kasing magbestida kahit iyon ang gustong ipasuot ng mga tiyahin niya sa kaniya. Nang makita ng dalawang matandang dalaga ang suot ni Ze ay napataas ng kilay ang mga ito. "Zeikera, babae ka. Dapat nakabistida ka," wika ni Joan. "Nanang, pasensya na po. Lahat ay susundin ko pero huwag lang po ang magsuot ng bestida." "Lalabas ka. Makikita ka ng mga tao. Dapat maayos ang suot mo," hirit ni Clara. "Kaya nababastos tayong mga babae dahil sa paraan natin mg pananamit." Kahit labag sa loob niya ay muling umakyat si Ze sa ikalawang palapag ng bahay nila upang magpalit ng damit. Kinuha niya ang isang bulaklaking duster at isinuot iyon habang nakanguso siya. Nang bumaba si Ze ay nakangiti na ang magkapatid na Joan at Clara. Kakamot-kamot ng batok na lumabas si Ze para pumunta sa bahay ng kabarangay nila na may utang sa mga tiyahin niya. At dahil ang bahay nina Sonia ay sa unahan pa nina Dwien kaya habang naglalakad si Ze ay nagpa-practice na s'ya ng mga masasakit na salitang ipambabato niya kapag nagkita sila ng kababata. Dadaanan niya kasi ang bahay nito. Habang naglalakad sa niyugan ay nakadama si Ze ng kilabot kahit mag i-ika-lima pa lang ng hapon. May tao kasing sumusunod sa kaniya. Alam ni Ze na ang niyogang dinadaanan niya ay pagmamay-ari nina Dwien pero dahil daanan iyon ng mga taga kabilang sitio kaya natakot ang dalaga. Kakaraipas na sana siya ng takbo ng may biglang nagsalita sa likuran niya. Paglingon ng dalaga ay nakita niya si Dwien na may dalang galon ng tubig. Nakabuhad ng pang-itaas ang lalaki kaya kitang-kita ni Ze ang malapad na dibdib ng binata gayon din ang namumutok nitong abs. Wala sa sariling napalunok si Ze lalo na ng unti-unting humakbang si Dwien palapit sa kaniya habang nakaplaster sa labi nito ang isang pilyong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD