Nagkasagutan ang Nanang Joan at Nanang Clara ni Ze. Pahablot na inagaw ng una ang mga gamit ni Ze sa kamay ng isa pa niyang tiyahin. Pinapasok ng magkapatid sa silid niya ang dalaga kaya hindi na nalaman ni Ze kung ano ang naging usapan ng dalawa.
Makalipas ang ilang oras ay tinawag si Ze ng Nanang Joan niya. Pinaupo siya nito sa harap ng hapag kainan at doon kinausap.
"Zeikera, pumapayag akong sumama ka sa night swimming na iyan. Dalaga ka na, alam mo na ang tama at mali," wika nito. "Iwasan mo ang baklang si Dwien.
Hindi siya makakabuti sa iyo."
Napayuko na lamang si Ze at hindi na siya sumagot pa. Alam kasi niyang maaring hindi niya masunod ang sariling salita kung mangangako siya sa kan'yang Nanang Joan. Pag-angat niya ng kan'yang ulo ay nakita niyang masama ang tingin ng Nanang Clara niya sa kan'yang kausap. Hindi niya man gusto na siya ang maging dahilan nang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid ngunit hindi niya mapigilan ang puso sa kagustuhan nitong makasama si Dwien kahit ilang oras lang.
Excited na nag-ayos ng mga gamit niya si Ze. Hindi siya nag-text o chat man lang kay Dwien upang sorpresahin ito. Subalit agad n'ya iyong ibinalita kay Kisses na natuwa naman para sa kan'ya.
Lingid sa kaalaman ni Ze, halos sumayaw sa tuwa si Dwien habang binabasa ang chat niya. Panay ang lukso nito sa ibabaw ng kan'yang katre at inihagis ang mga damit na sana ay dadalhin nito.
"Dwien, kapag iyang papag ay nasira, hihingiin ko ang isang buwang sahod mo upang magkaroon ka ulit ng bagong gan'yan," banta ni Mamang Jessa.
"'Mang, kahit dalawang buwang sahod pa ay ibibigay ko sa 'yo," mayabang na pahayag ni Dwien.
"Aba at galante ka ngayon. Si Ze ba ang dahilan?" urirat ni Mamang Jessa.
Ilang beses na tumango si Dwien at masayang bumaba sa katre. Niyakap niya ang kan'yang Mamang Jessa na noon ay gulat na gulat sa kan'yang mga ikinikilos.
"Sa wakas, makakasama ko siya buong magdamag. Matagal ko nang pinapangarap ito, 'mang."
"Himala! Hindi yata siya pinagbawalan ng kan'yang mga lusyang na tiyahin!"
Napahagalpak si Dwien ng tawa. Kahit mukhang babae ang kan'yang Mamang Jessa ay hindi ito gumagamit ng mga salitang beki kaya madali silang nagkakaintindihan. Sanay na rin siya sa pagiging maarte nito o kung minsan ay pagiging prangka nito.
Nang oras na ng alis nila sa Brgy. San Diego ay hindi sumabay si Dwien sa sasakyan na kinalululanan ni Ze. Sinadya niyang sumabay sa mga kalalakihan kahit na binu-bully siya ng mga ito.
Bakas sa mukha ng binata ang saya kaya wala siyang pakialam kahit tinutukso siya ng paulit-ulit ng mga kasamahan niya. Nakikipagsabayan pa nga siya sa biruan ng mga ito. Si Ze naman ay hindi na umimik nang malaman niyang sa ibang tricycle sumakay si Dwien. Batid kasi niyang umiiwas ito sa gulo.
Sa Burabod Resort ang destinasyon ng grupo. Pagmamay-ari iyon ng Brgy. Burabod. Ang kapitan ng barangay na iyon at ang kapitan ng San Diego ay nag-usap upang hindi na sila magbayad ng entrance fee.
Mag-a-alas tres na ng hapon nang dumating sila sa lugar na mayroong sampung cottages. Nag-unahan sa pagpili ang mga kasamahan nila kung saang cottage sila tutuloy sa buong magdamag. Hanggang sa isang cottage na lang ang natira at sina Dwien at Ze ang wala pang napipili.
"Bakla naman si Dwien kaya okay lang na kayong dalawa na lang ang mag-share," sabi ni Luz. Siya ang secretary ng samahan nilang tinatawag na The Youth's Maid.
Nagkatinginan ang magkababata. Walang kahit isa man sa kanila ang umimik. Dinampot ng mga kasamahan nila ang kanilang mga gamit at sila na mismo ang naglagay noon sa loob ng cottage.
"Walang masama kung magsasama ang isang manang at bakla sa isang cottage, sabi pa ni Luz. "Pareho kayong safe sa isa't isa."
"Okay, payag na ako," sabi ni Dwien.
Masayang nag-aper-an ang mga kasama nila. Sinabayan pa iyon ng malakas na hiyawan. Hanggang sa oras ng pagluto ng kanilang pagkain, nag-kan'ya-kan'ya sila ng gawain. Sina Dwien at Ze ang naghanap ng palapang panggatong.
"Mukhang hindi ka na-surprise na kasama 'ko," pahayag ni Ze.
"Alam ko kasing gagawa ka ng paraan para makasama ako," sagot naman ni Dwien.
"Ang kapal mo talaga, Dwien." Sabay dampot ni Ze ng palapa ng niyog at inihambalos iyon sa kababata n'ya.
Tawa lang naman ng tawa ang binata kahit nasasaktan siya. Nang makita sila ng kanilang mga kasamahan ay naging tampulan sila ng tukso. Ngunit hindi nagpaapekto ang dalawa.
Habang nagluluto ang mga kasamahan nila, umupo naman si Ze sa lilim ng isang puno na hindi niya alam ang pangalan. Tahimik n'yang binasa ang update ng Lust in the Dark. Hindi niya namalayan ang pag-upo ni Dwien sa tabi n'ya.
"Anong update?" tanong nito.
"Si Abby, tinambangan siya habang pauwi galing sa bahay ni Zion," sagot ni Ze.
Kunwari namang nagulat si Dwien. Hindi siya nagpahalata sa kababata niya na alam na niya ang mga nagaganap sa kwentong iyon dahil siya mismo ang sumusulat noon. Niyaya ni Dwien si Ze na mag-swimming subalit tumanggi ang huli. Mas gusto nitong makipag-usap kay Bhil dahil hindi online si Kisses.
"Naka-chat mo ba kanina si Kisses?" tanong ni Ze sa kababata niya. "Hindi kasi siya online. Nag-aalala ako sa kan'ya. Hindi naman siya kasi ganito noon.'
"Sus! Baka busy lang 'yan. 'Wag ka ngang ma-praning sa kaiisip diyan," seryosong sabi ni Dwien.
"Okay. Dwien, nabalitaan mo ba ang tungkol sa isang writer na nagtangkang magpakamatay dahil inubos na ng magnanakaw ang mga libro niya?"
"Oo," malungkot na sabi ni Dwien. "Sobrang na-stress na kasi siya. Na-triger lalo ang depression n'ya dahil sa mismong F2Reads naghahanap ng full story ang mga pasaway na readers. Ang iba sa mismong chat pa kinukulit si author."
"Kawawa naman," nasambit ni Ze.
"Wag mo nang isipin iyon. May karma rin para sa mga taong gan'yan. Nandito tayo para magsaya. Bukas ka na magbasa," suhestiyon ni Dwien.
At iyon nga ang nangyari. Tawanan, inuman kainan, at nagkaroon din ng mga palaro kaya naging sobrang saya ng magkakaibigan. Kahit nakainom na ay game na game pa rin sila na sumayaw habang nakapalibot sa isang bonfire. Mas lalo pang naging napaka-special ng pagsasama-sama nilang iyon dahil sa liwanag ng buwan na saksi ng kanilang samahan.
"Maligo tayo para mabawasan ang kalasingan natin," yaya ni Marco. Kasintahan siya ni Luz.
Sumang-ayon naman ang mga kasamahan nila. Nag-unahan silang lumusong sa malamig na tubig dagat. Noon lang napansin nina Dwien at Ze na magkakapares pala ang kanilang mga kasama. Habang lumalalim ang gabi ay nagiging mapusok sila. Wala silang pakialam na aghahalikan kahit may nakakapanood pa sa kanila. Sina Dwien at Ze na lang ang nahiya.
"Alam niyo, bagay kayo," sabi ni Marco kina Dwien at Ze. "Subukan n'yo rin ang ginagawa namin ni Luz."
Ipinakita pa nina Marco at Luz kung paano ginagawa ang l*ps to l*ps. Naghiyawan ang mga kasamahan nila at ginawa rin nila ang ipinakitang example nina Marco at Luz. Hanggang sa tuksohin nila sina Dwien at Ze na gayahin din sila. Naipit na ang dalawa sa sitwasyon. Batid nilang kapag ginawa nila ang kahilingan ng mga ito ay maaaring makarating iyon sa mga tiyahin ni Ze. Kung hindi naman nila gagawin ay sasabihin naman ng mga ito na wala silang pakikisama.
Kinabig ni Dwien si Ze at sa harapan ng mga kaibigan at kasama nila sa grupo ay hinalikan n'ya ang kababata sa noo nito. Pagkatapos noon ay muli silang bumalik sa tabi ng bonfire. Nagpatuloy sila sa kanilang inuman at kwentuhan. Hanggang sa isa-isa na silang pumasok sa kani-kanilang mga cottage. Ang tanging naiwan na lamang ay sina Dwien at Ze.
"Sobrang wild pala nila kapag mga lasing na." Hindi napigilan na komento ni Ze.
"Mainit kasi sa katawan ang alak. Kaya nga sinasabi nilang mas masarap gawin ang bawal kapag nakainom," sabi naman ni Dwien.
At dahil walang mapagkuwentuhan ng magkababata kaya ininom na lang ng dalawa ang alak na kanina pa ibinigay sa kanila na mga kasamahan nila. Hindi naman sila nalasing dahil doon subalit dama nila ang pag-init ng kani-kanilang mga katawan.
Tumayo si Ze at saka nagpaalam na siya sa kan'yang kaibigan na papasok na siya sa cottage kung saan mayroong nakalaan na higaan para sa kanila. Nasa pinakadulo iyon kaya medyo malayo pa ang lalakarin niya. Sumunod naman sa kan'ya si Dwien. Ngunit pagtapat nila sa cottage nina Marco at Luz ay dinig nila ang ingay ng mga ito.
Na-curious na humakbang si Ze palapit sa cottage na tumutunog dahil sa mabilis na paggalaw ng mga tao sa loob noon.
"Oh, Marco, sige pa. Nakikiliti ako riyan," parang nababaliw na sabi ni Luz.
Umungol si Marco at rinig ni Ze ang mahihina n na daing nito. Dama rin ng dalaga na para siyang nag-aapoy sa lagnat dahil pumasok lahat sa isip n'ya ang mga bed scene sa libro ni Kisses. Napatingin siya kay Dwien na nasa likuran n'ya lang.
"Tayo na," bulong ni Dwien sa may punong-tainga niya sabay hagod ng dila nito sa leeg n'ya. Kinilabutan si Ze at para bang gusto n'yang sumabay ng ungol sa mga nasa loob ng cottage pero pilit niyang nilabanan ang sarili.
Ang sunod na cottage na dinaanan nila ay tahimik lang subalit ang pangatlo ay mas lalong nakakapanindig-balahibo ang mga ungol na naririnig nila. Dama sa bawat tunog na pinakakawalan ng mga nasa loob kung gaano kasarap ang ginagawa nila.
Hindi sinasadyang napahawak si Ze sa kanyang dibdib habang naglalakad siya palapit sa cottage nila. Bahagya niyang pinisil iyon at dama n'yang naninigas ang ut*ng n'ya. Napahinto pa siya sa paglalakad ng nararamdaman n'yang parang sasabog ang b****a ng pagkababa* niya.
"Ze," namamaos na tawag ni Dwien sa pangalan ng kaibigan n'ya. Kita na ang kahandaan ng pagkalalak* n'ya dahil bukol na bukol na iyon. Subalit hindi nagsalita ang kababata n'ya at sa halip ay dumiretso na sa loob ng cottage.
Kapwa hindi alam ng magkababata kung ano ang gagawin nila. Pareho silang walang karanasan pero batid nilang kapwa sila naghahanap ng ligaya sa piling ng isa't isa.
Napasandal si Ze sa dingding habang dahan-dahang isinasara ni Dwien ang pintuan ng maliit na silid ng cottage. Napapikit din siya dahil natatakot s'yang tingnan ang kababata n'ya. Hanggang sa naramdaman niya ang kamay ni Dwien na hinahaplos ang makinis niyang hita na litaw sa suot nyang dolphin short.
Isang mahinang ungol ang pinakawalan ni Ze sabay buka niya ng kan'yang labi upang i-welcome ang isang nag-aalab na halik na tumutupok sa buo niyang pagkatao.