Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Dwien. Galit na galit si Nanang Clara at Nanang Joan. Halos maalog na ang utak ng binata dahil sa lakas ng yugyog ng mga ito sa kaniya. Hindi niya magawang lumaban kaya tinatanggap niya na lamang ang lahat ng mga masasakit na salita na naririnig niya maging ang pisikal na pananakit na nararanasan niya. Si Mamang Jessa ay hindi magawang awatin ang mga tiyahin ni Ze. Naiintindihan niya ang bugso ng damdamin ng mga ito. Panay ang dasal niya na sana ay makaligtas si Ze. "Hinayaan na namin kayo. Bakit pa humantong sa ganito? Malas ka talaga! Malas!" sigaw ni Nanang Clara. Hindi masagot nina Mamang Jessa at Dwien ang tanong na iyon ng tiya ni Ze. Batid nilang kapag nalaman ng mga ito ang nangyari sa kubo ay lalong magwawala sa galit ang dalaw

