Malakas ang bulong-bulungan sa buong munisipalidad ng Ildefonso. Ang mga tao ay lihim na pinag-uusapan si Simon at Stephanie. Maging sina Bhil at Luz ay panay ang panonood sa mga videos na nagkalat online. Napangiti si Ze nang malaman ang mga nangyayari. Masama na kung masama pero para sa kan'ya ay karma ni Stephanie ang mga s*x videos na nagkalat online. Masaya siya na kahit hindi na siya gumawa ng action ay may gumawa na noon para sa kan'ya. Bigla n'yang naisip si Dwien. Naniniwala siyang ito ang may pakana ng lahat. Batid n'ya kasing may mga hawak itong videos na ibinigay dito ng kaibigan nitong nag-ayos ng CCTV sa opisina ni Simon. Hindi siya nagsalita kahit na kinukulit siya ni Luz kung sa palagay niya ba ay si Dwien ang may kagagawan ng lahat. Ayaw niyang ipahamak ang nobyo kaya

