Limang taon na ang lumipas, hindi pa rin ni Ze matanggap na bigla na lang siyang iniwan ni Dwien habang nag-aagaw-buhay siya. Ang pagmamahal na nasa puso niya ay napalitan ng galit para sa binata. Isinusumpa niya ito at halos ayaw na niyang makarinig ng kahit ano tungkol dito. Minabuti ni Ze na huwag makibalita tungkol kay Dwien o Kisses. Nawala na lang din kasi si Kisses na parang bula sa F2Reads app. Nanatili si Ze sa San Diego dahil ayaw niyang iwanan ang kan'yang mga nanang. Sa loob ng limang taon ay natutunan niyang maging matapang. Isang araw, hindi inaasahan na sinugod siya ni Stephanie sa tindahan na ipinagawa n'ya sa Ildefonso. Ang babae na kinakalaban siya sa negosyo niyang mini grocery ay nanggagalaiti sa kan'ya dahil mas marami ang customers n'ya kaysa rito. "Zeikera! Sinu

