Nagtataka si Ze kung bakit panay ang bati sa kaniya ng congratulations ng mga tao. May ibang mukhang masaya pero karamihan ay tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Wala siyang ideya kung bakit ganoon ang mga tingin ng mga customers nila at hindi niya naman makompronta ang mga ito. Rumaragasa na pumasok si Luz sa loob ng tindahan. Hinila siya nito sa pinaka-storage ng pwesto nila at saka kinausap ng masinsinan. Agad naman na inutusan n'ya ang isang katiwala para palitan siya nito sa pwesto n'ya. "Saan mo naman nakuha ang balitang iyan na ikakasal ako sa Simon na iyon? Nagpapatawa ka ba, Luz?" inis na tanong ni Ze. "Hindi mo ba alam? Kalat na sa internet ang engagement n'yo kuno at nalalapit na kasal," sagot ni Luz. "Hindi na ako active sa social media. Alam mo naman iyon, 'di ba?

