Malakas na tawanan ang maririnig sa bakuran ng bahay nina Nanang Clara at Nanang Joan. Naroon sina Bhil at Luz at lihim nilang pinag-uusapan ang reaksyon ng dalawang matandang dalaga ng unang beses na pumunta roon si Bhil kasama sina Dwien at Ze. "Akala ko talaga ay hahabulin na nila ako ng itak," wika ni Bhil. "Mabuti kung itak ang gamitin sa 'yo. What if sumpak ang ilabas, 'di ba?" tumatawa na wika ni Luz. "Tiyak, mapapatakbo rin ako sa lubluban ng kalabaw," sagot din ni Bhil. Si Ze ay nakikitawa na rin sa mga kaibigan niya. Nakahanda na ang kan'yang mga gamit para sa tatlong araw na seminar. Sinundo lang siya ni Bhil para siguraduhing walang reklamo ang mga nanang. Nakuha na kasi nito ang tiwala ng mga matatandang dalaga sa loob lamang ng ilang araw. "Bhil, bantayan mong mabuti

