CHAPTER 13

1732 Words
Habang nakasakay sa jeep ay nag-uusap ang mga mata nina Dwien at Ze. Magkasabay sila dahil pinag-usapan na nila iyon. Hindi man nagsasalita ay batid nila ang nasa isip ng isa't isa. Lihim na natatawa si Ze at si Dwien naman ay binabantaan siya. Malikot kasi ang isip ng dalaga na pigil na pigil ang tawa dahil naaalala n'ya ang itsura ni Dwien pagkatapos nilang mag-usap ng nanang n'ya. "Walisan mo naman ng ilalim ng katre na higaan mo," sabi ni Dwien habang pinapagpag ang alikabok sa pawisan nitong katawan. "Magiging taguan ko na iyan simula ngayon kaya linisan mo. Pati alaga ko naalikabukan." "Busy ako. Wala akong time," sagot ni Ze. "Busy kababasa ng kalaswaan," bulong ni Dwien sabay pisil sa dibdib ng dalaga. "Masarap basahin iyon. Lalo na ang gawa ni Kisses. Ang galing niyang magpa-turn-on ng readers. Feeling ko nga, ginagawa nila iyon ng boyfriend n'ya." "Hindi, ah," mabilis na sabi ni Dwien. "Paano mong nalaman? Ikaw, Dwien, umayos ka." "Hindi kasi lahat ng erotic writer ay may experience sa s*x. Ang iba ay malawak lang talaga ang imagination." Hinaplos ng palad ni Dwien ang basa pa rin na pagkababa* ni Ze. Dahil puro alikabok ang katawan ng binata kaya kahit gusto n'ya pa ay hindi na siya nagpumilit. Nangangati na rin kasi ang ar* n'ya. "Miss, pwede bang makuha ang Meetmebook2 account mo? Number?" tanong ng katabi ni Ze. Iyon ang dahilan kaya biglang bumalik ang isip ni Ze sa kasalukuyan. Napasulyap siyang muli kay Dwien. Hindi kumibo ang bakla n'yang nobyo pero batid niyang hindi ito natutuwa. Tumingin siya sa lalaking katabi at sa mga kasakay nila. Napahiya siya dahil mga nakatingin na pala ang mga ito sa kan'ya. Ngumiti si Ze at saka kinuha ang cellphone ng lalaki para ilagay ang number n'ya. Ayaw n'ya rin kasing mapahiya ito kaya napilitan na siyang ibigay ang hinihingi nito. "Number na lang ang ibinigay ko sa iyo. Saka na lang ang Meetmebook2 accout. Mamaya mo na rin ako tawagan," sabi ni Ze sa lalaki. Pagkababa sa jeep ay walang imik si Dwien. Batid ni Ze na matindi ang selos na nararamdaman ng kan'yang kababata kaya mas lalo niya pa itong inaasar. "Ang pogi noong lalaki. Pwede siyang maging jowa. Tiyak na hindi siya magtatago ng nakahubad sa ilalim ng katre kapag kumatok ang mga nanang," tukso ni Ze sa tahimik lang na kasabay niya. "Sige, mamayang gabi hindi na ako magtatago sa ilalim ng katre. Ipangangalandakan ko na sa mga tiyahin mo ang ginagawa natin," pikon na sagot ni Dwien. Humalakhak si Ze. Alam n'yang hindi iyon gagawin ni Dwien dahil takot din ito sa mga nanang n'ya. Hindi n'ya man itanong, batid niyang alam ni Dwien ang magiging kahihinatnan ng gagawin nito kung sakali. Dahil sa takot na baka may makakita sa kanila kaya malayo ang distansya nila habang naglalakad. Ngunit kahit ganoon ay narinig pa rin ni Ze ang tunog ng cellphone ni Dwien. Tumingin muna ito sa kan'ya bago iyon sinagot. "Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ze nang makita niyang kumunot ang noo ni Dwien. "Pasensya ka na, 'tol. Asawa n'ya ito. Hindi n'ya talaga number ang ibinigay niya sa iyo," wika ni Dwien. Biglang tinakpan ni Ze ang bibig n'ya. Tawang-tawa siya sa itsura ng mukha ni Dwien. Nang maibaba nito ang cellphone ay pilit siya nitong inaabot upang maakbayan. "Akala ko talaga, ipinamigay mo na ang number mo sa kung sino-sino lang na lalaki," sabi ni Dwien nang naabutan siya. "Strict ang mga nanang ko." Binuntutan ni Ze ng halakhak ang sinabi niya. Pagdating sa munisipyo ay ang galit na mukha ni Simon ang naabutan nila. Agad nitong sinabihan si Dwien na bisitahin ang proyekto sa isang malayong barangay ng kanilang bayan. Hindi naman tumutol si Dwien sa nais ng kaniyang dating kaibigan. "Alam mo, dati kulang na lang ay magkandarapa ako sa paghabol sa iyo pero ngayon, nakakasuka ang ugali mo," sabi ni Ze sa mayor ng bayan nila. Matalim siyang tiningnan ni Simon ngunit bigla rin itong ngumiti kinalaunan. Para itong asong ulol sa paningin ni Ze. "Huwag mo akong subukan," banta ng lalaki kay Ze. "Noong hindi kita napapansin, panay ang papansin mo; pero ngayon, pa-arte-arte ka. Magiging akin ka sa kahit anong paraan na gusto ko." Nanlamig ang buong katawan ni Ze. Napahawak siya sa isang babae na muntik na niyang maapakan. Hinawakan din siya nito sa braso at inalalayan siyang umupo muna sa isang tabi. "S-so-rry. Nasaktan ka ba?" tanong ni Ze sa babae. "No, ikaw?" tanong naman nito. "Ze? Ze, is that you?" "Bhil? Ikaw ba si Bhil?" tanong din ni Ze sa kaharap. "Yes. Ako si Bhil." Parang mga bata na nagtatalon at yumakap sa isa't isa ang dalawa. Hindi maubos ang tanong nila. May thirty minutes pa naman bago ang dapat na time-in nila kaya nagkaroon pa ang dalawa ng oras upang makapag-kwentuhan. "Ang sama pala ng ugali ni mayor," bulong ni Bhil kay kay Ze pero dinig iyon ng malapit sa kanila. "Kaurat na nga siya," sabi ng isang tinig. Hinawakan nito ang kamay ni Ze at saka nagpaalam. Kinikilig si Bhil habang nakatulala lang sa papalayo na si Dwien. Hindi mapuknat ang mga mata nito sa lalaking kahit nakatalikod na ay parang matinee idol pa rin kung tumayo. "Dwien? For real? Siya na ba iyon?" Hindi makapaniwala na tanong ni Bhil kay Ze. "Yes. Huwag kang kiligin. Asawa ko na iyon," pahayag ni Ze. "Hays, kilig. Oy, chicka tayo mamaya. Pasok ka na. Diyan nga pala ako pumapasok sa Central School. Teacher ako riyan. Bakasyon pero kailangan kong mag-report. Kita tayo ulit mamayang lunch," paalam ni Bhil. Nang dumating ang tanghalian ay si Dwien pa rin ang topic nina Ze at Bhil. Subalit biglang umupo sa harapan nila ang isang pamilyar na babae. Tumaas ang kilay ni Bhil at napasimangot naman si Ze. "Pa-upo," sabi ni Stephanie. "Nasaan ang boyfriend ko?" "Nasa mayor's office," sagot ni Ze. Alam n'yang ang tinutukoy ni Stephanie ay si Dwien pero wala siyang plano na sabihin kay Stephanie kung nasaan talaga ito. "Hindi masarap ang pagkain dito" sabi ni Stephanie sabay tayo. "Kainin mo na ito, Ze. Alam ko naman na sana'y ka sa tira-tirang pagkain." Maarte na tumayo si Stephanie. Pigil na pigil naman ng emosyon nina Ze at Bhil. Para sa dalawa ay mga propesyonal sila at hindi nila kailangan na ibaba ang sarili para lang sa isang tao na walang maayos na manner. Natapos ang dalawa sa pagkain na para bang walang nangyari. Ngunit hindi pa man nakatayo ang magkaibigan para bumalik na sa kani-kanilang mga trabaho ay sumulpot ulit sa harapan nila si Stephanie. Sa pagkakataon na ito ay nanlilisik na ang mata ng babae. "Sinungaling ka! Wala sa mayor's office si Dwien," malakas na sabi ni Stephanie. "Saan mo itinago ang boyfriend ko?" "Si Dwien ba ang hinahanap mo? Sorry. Akala ko kasi ay si Simon ang itinanong mo kanina," inosenteng sabi ni Ze. "Isusumbong kita sa mga nanang mo. Malandi ka kapag nakatalikod sila!" tungayaw ni Stephanie. "Paano akong naging malandi kung hindi ko naman nakasama ang hinahanap mo at babae naman ang kasama ko ngayon? Nag-so-sorry na nga ako sa pagkakamali ko," matapang na sagot ni Ze. Nanatili lang itong nakaupo at tuwid ang tingin kay Stephanie. Sa halip na tanggapin ang sorry ni Ze ay dinampot ni Stephanie ang baso na puno ng tubig at isinalwak niya ang laman noon sa mukha ni Ze. Halos maiyak sa sobrang galit ang dalaga. Hinawakan niya ng mahigpit ang kutsilyo na nasa ibabaw kanina ng plato n'ya. Ngunit hindi inaasahan ni Ze ang ginawa ni Bhil. Tumayo ito at dinampot din ang baso niyang hindi pa nababawasan ng laman at itinapon iyon sa mukha ni Stephanie. Umarte itong wari bang gulat na gulat. "Oops… sorry. Nabasa ko kasi sa mga novel na gan'yan ang ginagawa ng mga side characters ng authors kapag inaapi ang lead characters sa story. Feeling ko tuloy ay nasa loob ako ng isang nobela." Ipinagpag ni Bhil ang kamay n'ya saka humingi ulit ng tubig sa waiter. "Sino ka para…" galit na tanong ni Stephanie. "Oh, ako?" Itinuro pa ni Bhil ang sarili niya. "Ako lang naman ang dakilang kaibigan ngayon ng sinaktan mo." "Hindi pa tayo tapos na babae ka!" Dinuro ni Stephanie si Ze. "Sa tingin ko nga ay hindi pa tayo tapos," sagot ni Ze. Dahil sa tindi ng inis ay nagpapapadyak si Stephanie na lumayo sa bagong magkaibigan. Kahit basa na ay tumuloy pa rin naman si Ze sa trabaho n'ya. Ayaw n'ya kasing magkaroon ng maraming absent sa trabaho. Samantala, sa barangay kung nasaan si Dwien ay dama ng binata ang pang-aalipusta sa kan'ya ng mga taong kasama niya sa trabaho. Hindi nagsasalita si Dwien dahil sa isip niya ay bumubuo na siya ng isang plot kung saan ay pahihirapan n'ya ang kaniyang mga kasamahan. "Hoy, bakla! Tingnan mo nga kung maayos na ang pagkakalagay nila ng kabilya," utos ng isang engineer na kasama ni Dwien. Nasa isang ilog sila ng isang barangay na nasa dulo sa mapa. Nasa parteng Norte iyon ng bayan. Tinitingnan nila ang proyekto upang mabilis itong matapos at maihabol sa magaganap na eleksyon sa susunod na taon. Kailangan na bumango kasi ang pangalan ni Simon sa mga nasasakupan n'ya. "Okay naman ang pagkakalagay nila ng kabilya," sagot ni Dwien sa kasama n'ya pagkatapos niyang silipin ang itinuturo nito. "Tingnan mong mabuti, bakla. Baka pumalpak iyan, buhay ang nakasalalay diyan," utos ng katrabaho ni Dwien. Hindi kumibo at sumunod lang si Dwien. Nakakaramdam siya ng hindi maganda kaya sa halip na lumapit sa inutos sa kan'yang tingnan n'ya ay tumawid siya sa ilog na abot hanggang tuhod lamang ang lalim. Hindi pa man nakakarating si Dwien sa kabilang pampang ay gumuho na ang pundasyon ng tulay. Hindi kaagad nakakilos si Dwien lalo at may mga tao na tulad ng mga construction workers ang nasugatan at nawalan ng malay. "Simon, hindi ko alam na aabot ka sa ganito," nasambit ni Dwien habang nagpapasalamat siya na nakaligtas siya. Sigurado si Dwien na siya ang puntirya talaga ng pagguho na iyon dahil batid niyang close ang kasama niyang engineer at ang dati niyang kaibigan na mayor nila. "Nagawa n'yo na ang utos ko?" text ni Simon. "Napatay n'yo ba si Dwien?" Halos manginig ang katawan ni Dwien dahil sa hindi n'ya maipaliwanag ang takot na lumukob sa kan'yang buong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD