CHAPTER 2

1130 Words
REESE   GUSTO na niyang pagsisihan kung bakit nakialam pa siya sa problema ng babaeng lumapit sa kanya sa loob ng club. "Anong girlfriend pinagsasabi mo? Kanina lang ayaw mo kong pansinin tapos ngayon mag-fe-feeling kang knight in shining armor ko? Sana okay ka lang di'ba?" sarkastikong angil sa kanya ng babae. Hindi yata nito pansin na may nakatutok na baril sa sentido niya. Huminga siya nang malalim saka tinaas ang dalawang kamay. "You! Both of you, get inside now!" sigaw ng lalaki mukhang Japanese na may hawak ng baril. Kidnaper ba ang mga ito? Tahimik naman siyang sumunod, pero ang babaeng Japanese version ni Ariana Grande ay hindi pa rin tumatahimik.  "See? Wala kang ginawa? Bored ka kaya sasama ka? Sana tumawag ka na lang ng pulis, natuwa pa sana ako saiyo! Kainis ka!" reklamong sambit ng babae. Tila wala yata itong pakialam kung may baril na nakatutok sa kanila. "Hey, Keiko! Shut up!" sigaw ng kidnaper sa babae ngunit imbes manahimik talak pa rin ito ng talak. "No! I won't shut up! I said I don't know where is my father. Are you stupid?!" angil ng babae. Nakita niyang nagdilim ang paningin ng kidnaper na nasa harap nila. Napabuga siya nang malalim na paghinga. Pinaikot niya rin ang mga mata. Kinidnap na nga ito, nakuha pang magtaray. Tsk! Mabilis itong tinutukan ng baril at hinaklit ang buhok nito. Nakatali kasi ang kamay nila kaya hindi niya nagawang pigilan ang kamay ng kidnaper. "You really a b*tch! If you don't shut your mouth. I will put all my bullets in your f*cking head!" nanggagalaiting sigaw ng kidnaper. Napakunot naman ang ulo niya dahil imbes matakot ang babae, sinabayan pa nito ang galit ng kidnaper nilang Hapon. "If you kill me, you will never know where is my father! There's no way he will reveal his self and I'm not a b*tch!" ganting sigaw naman ng babae. Napataas ang kilay niya. Hindi ba talaga ito natatakot? Napailing-iling na lang siya. Marahas naman binitawan ang buhok ng babae. Siguro nga mahalaga para sa mga ito malaman kung nasaan ang ama ng babae. Kaya malakas din ang loob ng babae, pero duda siyang alam nito talaga kung nasaan ang ama nito. Umingos ang babae at umusog palapit sa kanya. Sinubsob pa nito ang noo sa balikat niya. "Ang sakit ng ulo ko. Muntik nang bumitaw ang ulo ko sa leeg ko. Kainis talaga!" pabulong na reklamo nito. Napabuntong hininga siya. "Kung na nanahimik ka lang sana, di ka sana nasabunutan," walang ganang sabi niya. Umangat naman ang ulo nito at pinukol siya nang matalim na tingin. "Kung sana pinagtanggol mo ko, wala sana tayo rito. Masaya ka na?" sarkastikong sikmat nito. He chuckled. Wow! Kasalanan pa niya ngayon? Ibang klase rin itong babae na ito. Imbes na sumagot, iniwas niya na lang ang tingin sa babae. Makakatakas naman siya rito kung gugustuhin niya. Tinatamad lang siya. Makalipas ang ilan minuto na byahe. Sa isang abandonadong factory site sila dinala. Nalaman din niya na Keiko Tanaka ang pangalan ng babae. Bente anyos, isang half japanese and half pinay ito. Narinig lang niya kasi pinag-uusapan ng mga ito ang babae. Hinila sila papasok sa luma at abandonado pabrika. Maraming mga hapon na lalaki ang sumalubong sa kanila. Lahat naka-all black. Uniform ba ng mga ito ay black? o trip lang? "Who's this blonde man?" wika ng isang Hapon. Wala siyang pakialam kung sino ang mga ito pero ang hula niya mga miyembro ito ng Yakuza. Napasulyap naman siya kay Keiko na nakataas pa ang noo. Umiling-iling siya. Paano na lang pala kung hindi siya sumama? Baka pag-piyestahan ito ng mga Hapon na ito. "Her boyfriend," sagot ng lalaking Hapon na nagtutok sa kanila ng baril. Nagtawanan naman ang lahat. Nagsasalita ang mga ito ng nihongo, wala siyang maintindihan. Ang alam lang niya ang papanget ng mga ito tumawa. "Ang papanget naman," pabulong na sabi ni Keiko. Gusto niyang matawa dahil sa sinabi ng dalaga. Parehas pa sila nang iniisip. At nakuha pa talaga nitong manlait kesa sa matakot para sa sariling buhay. Ibang klase! Kinalagan sila. Inalis ang tali sa kamay nila at patulak silang pinapasok sa isang nakakasulasok na banyo. Maliit lang ang banyo, may sink na maliit at bowl sa gilid. Nanggigitata na rin ang tiles lalo na ang bowl. Ngayon, gusto na niyang pagsisihan na sumama pa siya. "Hoy! Mga putang ina kayo! Wala bang maayos-ayos na kulungan, dito talaga? Papatayin niyo ba kami sa soffucation? Tang ina niyo!" naghuhumiyaw na sigaw ni Keiko. Umiiling-iling siya saka tahimik na umupo sa nakatakip na bowl. Imbes magmakaawa ito, nagreklamo pa talaga ito at nagmura. "Kinidnap ka, anong aasahan mo? malambot na kama at aircondition na kwarto?" nang uuyam na sabat niya. Dagli naman itong sumulyap sa kanya ang dinuro siya. "Ikaw! Bakit parang kalmado ka pa? Boring na buhay mo kaya okay lang saiyo mamatay? Kasi ako ayoko pa! Kung mamamatay man ako, sisiguruhin kong hindi rito!" galit na galit na angil nito. Nagkibit balikat na lang siya. Kinapa niya ang bulsa saka niya naalala na iniwan pala niya ang cellphone sa VIP lounge ng Black Club. s**t! Malapit na siya mag-rank sa nilalaro niya. Pamahak talaga ang babaeng ito. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Hula niya nasa 4'11 lang ang height nito o baka 5'2 hindi siya sure basta maliit lang ito. Balingkinitan din ang katawan nito, hmm, she's sexy and cute. Gustong-gusto niya ang makintab at itim nitong mahabang buhok. Aminado naman siyang napukaw nito ang atensyon niya pagkapasok pa lang nito sa loob ng club. Kaya nabigla siya nang lapitan siya nito at umupo sa kandungan niya. Hindi lang siya nagpahalata at tinuon na lang niya ang atensyon sa nilalaro niya. Subalit nang sumayaw ito habang sinasabayan ang tugtog. Daig pa niyang nabatobalani sa ganda nito. Kaya naman nang akma siya nito hahalikan ay nakaramdam siya nang labis na kaba. First time niya lang kabahan nang ganoon kaya pakiramdam niya namula ang buong mukha niya. At nang may humila sa dalaga, nagdalawang-isip siyang pigilan ito. Akala niya kasi nobyo ito ng dalaga pero nang mapansin niyang may kakaiba kaya sinubukan lang naman niya habulin at sundan ang mga ito. Hindi niya sukat akalain na sa ganitong sitwasyon sila mapupunta. Humikab siya saka inihilig ang likod sa pader, pinag-krus pa niya ang mga braso sa dibdib niya at pumikit. Bigla siyang inantok, mamaya na niya iisipin kung papaano sila makakatakas.  "Ay, ang saya niya. Don't tell me inantok ka? Ang baho na nga rito, inantok ka pa!" naiinis na angil ni Keiko. Hindi niya ito pinansin. Kahit walang katapusan ang reklamo nito ay hindi siya natinag. Nag-mura na ito, pinag-sisipa pa ang pinto at panay ang padyak ng paa ay tahimik pa rin siya. Kailan kaya titigil ang bibig nito? Pambihira!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD