bc

PAID BY THE BILLIONAIRE

book_age18+
7.5K
FOLLOW
36.0K
READ
billionaire
escape while being pregnant
fated
CEO
comedy
bxg
city
passionate
like
intro-logo
Blurb

Keiko met the leader of the Yakuza. Mr. Domo Takahashi said that her father owes a debt worth 100 million pesos to him.

Keiko was extremely shocked by what she heard. But, she was even more surprised when Reese responded and said that he would pay the 100 million of her father's debt. Keiko finds out that the man is Reese Donovan a businessman and a billionaire. She felt embarrassed and diminished by what she found out. So, she had s*x with a billionaire? She thought he was just an ordinary man.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
KEIKO NAGTATAGIS ang bagang niya nang mapansin niyang palihim siyang sinusundan ng Takahashi Gang. Isang Yakuza o Japanese Gangster. Napamura siya nang mahina. Binilisan niya ang paglalakad at pa-simpleng pumasok sa isang club na may pangalang Black Club. Galing siya pa sa pinapasukan resto bar, nagta-trabaho siya bilang singer. Nag half day lang siya para maiwasan ang mga naghahanap sa kanya. Pwede na siyang pumasok sa club dahil twenty years old na siya. Pang-high school lang ang height niya pero nasa legal age na siya. Maingay ang loob ng club, maraming lasing na nagsasayawan na sa gitna ng dance floor. Inilibot niya ang tingin hanggang sa nakita niya ang isang lalaking tahimik na nakaupo sa VIP lounge at may hawak na cellphone. Napangisi siya. Umakyat siya sa VIP lounge. Nakikiramdam pa rin siya sa paligid niya. Alam niyang may nakasunod pa rin sa kanya.  Pagka-akyat niya. Naglakad siya patungo sa lalaking nakaagaw nang pansin niya. Isan pilyang ngiti ang sumilay sa labi niya saka walang pakundangan umupo siya sa kandungan ng lalaki. "Hi, Baby Cakes! I miss you, do you miss me?" maarteng sambit niya. Kinurap-kurap pa niya ang mata para magpa-cute sa lalaki. Hindi niya sukat akalain na napaka-guwapo naman pala nito. Taob si Nick Bateman sa angking kagwapuhan nito. Napangiti pa siya nang tumitig ang lalaki sa kanya. Pero imbes magtaka, hinayaan lang siya nito nakaupo sa kandungan nito at nagpatuloy lang ito sa paglalaro ng online games sa cellphone nito. Ah, isnabero ang kumag. Ngumisi siya saka inayos ang suot niyang sexy pink dress. Sinadya niya talagang ipakita sa lalaki ang cleavage niya. Hindi naman kalakihan ang dibdib niya pero may cleavage pa rin naman siya. "Baby Cakes, aside from taking my breath away, what do you do for a living?" maarteng tanong niya sa lalaki. Subalit, hindi man lang ito kumibo o nagsalita. Ni hindi na nga siya tinignan uli, ano ba ito, bakla? Sayang naman kung maging bakla ito. Bagay na bagay pa naman sa lalaki ang blonde nitong buhok. Foreigner ba ito? Bakit feeling niya black talaga ang kulay ng hair nito? Tumikhim siya uli para pukawin ang atensyon nito subalit patay malisya lang ito. Kaurat naman ito, hindi marunong makisakay! Napansin niyang nag-iba na ang tugtog sa loob ng club. Pumailanlang ang musika na bagong kanta ni Ariana Grande na '34+35' song. Sobrang gusto niya lahat ng kanta ni Ariana Grande. Actually, idol niya ito madalas niyang ginagaya ang mga sexy outfit nito pati ang hairstyle nito. Humarap siyang muli sa lalaki. "You know what, Baby Cakes. That song is my new favorite, parang tayo. You'll be the 6 and I'll be the 9," pilyang ngumisi siya. Lumingon ito sa kanya. Yes, lumingon din! Nakakunot ang noo nito at saka siya pinagmasdan. Yumuko rin ito upang tignan ang suot niya. "Mukha ba akong upuan para upuan mo?" masungit nito wika sa kanya. OMG! Ang suave naman ng baritonong boses nito. Lalaking-lalaki ang sa pandinig niya. Medyo may attitude lang ito, tumayo siya sa harap nito at malamyos siyang sumayaw habang sinasabayan ang kanta. "Can you stay up all night? F*CK me 'til the daylight 34, 35...Can you stay up all night? F*ck me 'til the daylight 34, 35 Oh, yeah-yeah," kanta niya at mapang-akit na gumigiling sa harap nang guwapong lalaki. Nakatitig lang sa kanya ang lalaki. Parang na-hipnotized ito sa paraan nang pagkakatitig nito sa kanya. Napangisi siya, at least kuhang-kuha na niya ang atensyon nito. Nang akma siya dudukwang para halikan ito nang biglang may humaklit ng braso niya. Isang singkit at matangkad na lalaki. Sa itsura pa lang nito, mukha na itong Hapon. "Come with us," mariin utos nito. Napalunok siya ng laway. Sumulyap siya sa gwapong lalaki, nakatutok na uli ito sa hawak nitong cellphone. Anak ng! Wala ba itong balak ipagtanggol siya? Napaka-ungentleman naman nito! Bagsak ang balikat na sumama siya sa Hapon na lalaki. Malamang tauhan ito ng Takahashi Gang. Napadaing siya dahil marahas siya nito kinaladkad palabas ng club. Walang silbi kung sisigaw siya, ayaw niyang may madamay na mga inosenteng sibilyan sa loob ng club. Nasa labas na sila ng club nang magsalita siya. "P-Please, believe me. I really don't know where my father whereabout. Please, don't take me..." Nagsisimula na siyang kabahan. Yakuza ang mga ito, malabong buhayin pa siya ng mga ito. Kung bakit naman kasi hinahanap sa kanya ang ghoster niyang Ama. Mula nang mag-graduate siya sa Elementary bigla na lang nawala parang bula ang Ama niya. Namuhay siyang mag-isa at lumaki sa Tondo, Manila. Kaya labis siyang nagtataka dahil isang buwan na siyang kinukulit at hinahabol ng mga ito. Noong una nauto pa niya ang mga ito, sinabi niyang babalik ang Ama niya makalipas ng ilan linggo para lang palayain siya. Subalit ngayon, wala na siyang maidadahilan pa at mukhang naubos na ang pasensya ng mga ito sa kanya. "You silly b*tch! Enough with your lies! Tell us, where is your father? Tell us or else we will kill you." Nanginig yata ang tuhod niya dahil muntik pa siyang ma-out of balance. Ayaw pa niyang mamatay. Masyado pa siyang bata para mamatay. Kasalanan ito ng Ama niya, kahit kailan talaga wala ito naitulong sa kanya tapos siya pa ang aako sa kung ano man ang atraso nito sa mga Yakuza. "Hey, I'm no b*tch! I promise I will tell you where he is, just don't take me. My boyfriend will get angry!" angil niya. Tumatawang hinila siya nito patungo sa isang puting starex van. "Your boyfriend doesn't seem to care about you, Keiko, he doesn't even bother to look at you," sarkastikong sagot nito. Bwiset 'to! Nakuha pa siyang asarin. Pero mas lalo siyang na-bwiset sa lalaki sa loob ng club. Wala man lang pakialam 'to. Oo, nga hindi siya nito kilala pero sana nagpaka-gentleman man lang ito. Kainis! "Get in!" sigaw ng Hapon na lalaki sabay bukas ng pinto ng Van. May dalawa pang Hapon na lalaki sa loob. Ang isa ay nasa driver side at ang isa ay nasa gitna, nakatunghay na sa kanya habang may hawak na baril. Pilit siyang isinakay ng Hapon nang biglang may humablot ng braso niya. Natigilan siya. "What the hell? Who are you, man?" sikmat ng lalaki pero natigilan din ito ng ma-mukhaan ang guwapong lalaki kanina sa loob ng club. "Where the hell will you take my girlfriend?" seryosong bigkas nito. Blanko ang mukha nito nakatingin lang sa Hapon na lalaki. Mabilis naman itong tinutukan ng baril sa sentido. Ano raw sabi nito? Girlfriend? Napatanga siya sa mukha ng guwapong lalaki. Kanina lang isnabero ito tapos ngayon kung makapagsabi na girlfriend siya nito, wagas!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook