REESE ISANG MALAKAS na buntong hininga ang ginawa niya sa harap ni Zemira. Ito ang anak ng Ninong niya na kasosyo sa negosyo ng kaniyang Tatay. Zemira is 26 years old and really gorgeous. May hawig nga ito kay Mia Khalifa. Ngunit, hindi pa rin siya sang-ayon sa arranged marriage na ito. Yes, she's like a living goddess but he don't feel anything towards this woman. Kahit lìbog wala kaya mahirap ipilit. "I like you Reese and I want us to get married soon," seryosong saad ni Zemira sabay punas ng tissue sa bibig nito. Kasalukuyang nasa isang five star hotel sila nag-lunch ni Zemira. Ginigiit kasi ni Tatay na makipagkita siya sa dalaga para makilala nila kuno ang isa't isa. Matamam napatingin siya kay Zemira. Nauubusan na ba ito ng lalaki sa mundo kaya parang atat na atat ito makasal?

