Walang bayag kong boyfi is calling...
Umalis ako sa aking pwesto at mabilis na tumungo sa lugar kung saan namin puwedeng sagutin ang mga tawag ng aming mga kaibigan o pamilya.
"Babe! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? I've been waiting for your call for so long. How are you today? Your mother must have scolded you for what I did, didn't she?" masigla kong bungad sa kan'ya.
"Don't worry about it, babe. Pinaliwanag ko kay Mom lahat na hindi ka lang basta babae— pero sana sa susunod intindihin mo na lang siya. She's getting old na kasi at nawawala na ang pasensya niya sa mga tao, especially sa'yo..." hindi ko makuhang makapagsalita nang ilang minuto dahil sa kaniyang huling sinabi.
Pinatunayan niya lang talaga sa akin na isa siyang Mama's boy at walang bayag na lalaki. Inaabuso na ni Roy ang kabaitan ko at wala naman akong ibang magawa kun'di pagbigyan siya dahil nga mahal ko siya kahit na tatanga tanga siya.
"Babe?" bumuntong hininga ako.
"I understand... Wala naman akong choice kung hindi intindihin ka kahit na akong sarili mong girlfriend ay hindi mo kayang intindihin," honest akong tao, kaya wala akong pakialam kung magkaroon siya ng sama ng loob sa akin. Mas marami itong kinikimkim ng dibdib ko.
"Babe..." malambing ang kaniyang tono, nguni't sobrang lamig pa sa yelo sa aking pandinig.
"It's okay. Naiintindihan kita, Roy. Ako na ang magpapakumbaba sa Mom mo kahit na ayaw niya sa akin," nakangiti ako kahit na hindi niya ako nakikita.
"Thanks, babe! Anyways, hindi ako makakauwi ngayon sa condo natin. Abala pa kasi kami rito and hindi pa tapos ang famili reunion nami—— Rogelio! Come here! Tikman mo ito dali! It's yummy. Ibaba mo na iyang phone mo and give me all of your time!"
"Ina—" inang 'yan.
Si Inah iyon! Si Inah ang kasama ni Roy? And Rogelio pa ang tawag niya sa boyfriend ko kapag hindi ako nakaharap? Mas nakuha pa siyang bigyan ng permiso ni Roy kaysa sa akin na girlfriend? Umaabuso na talaga silang dalawa.
Sobra na.
Mahinahon kong ibinaba ang aking phone at naglakad na pabalik sa workstation. Bubuksan ko na sana ang aming pintuan nang may biglang humawak sa aking kamay. Dahil sa gulat ay bigla ko siyang sinapak sa kaniyang tyan.
"What the f**k?" nataranta ako bigla.
"I'm so sorry! Hindi ko po iyon sinasadya. Bigla niyo po kasing hinawakan ang kamay ko," pilit kong pinapakalma ang aking boses. Sa hitsura pa naman ngayon ng lalaki sa aking harapan ay hindi siya mukhang empleyado sa kompanyang ito. Mukhang magka-level pa nga sila ni Mr. Giovani.
"Kasalanan niyo po iyan. Bakit naman po kasi kayo nakasalamin at naka face mask sa loob?" hindi ko maiwasang pansin sa kaniyang hitsura. Balot na balot kasi ang kaniyang mukha. Para siyang may tinatakbuhan.
"What?" tila nagalit siya sa aking sinabi. Bigla ring tumaas ang aking balahibo sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Wala po. Sorry po ulit. Sa susunod po kasi huwag kayo basta-basta manghahawak ng kamay para hindi po kayo nasasapak."
"Huh?" hindi ko tuloy maiwasang tumaas ang kilay. "Sabi ko po, huwag kayo basta-basta—"
"Yes, I heard you," napatigalgal ako. Sino ba itong lalaking ito? Hindi ba porket mas mukha siyang mayaman kaysa sa akin ay pagsasalitaan niya na ako sa ganitong tono? Ang kapal ng mukha! Siya na nga itong nanghawak siya pa ang galit.
"Hoy, Mister! Kung ayaw mo pong nasasapak sa tyan, iwasan niyo po ang manghawak ng walang pasabi sa kamay ng ibang tao po ha? Tsaka po, iwas iwasan po natin ang pagsha-shades sa loob kasi wala naman pong araw dito. Adios!" nagbigay galang pa ako sa kan'ya bago ako pumasok sa loob ng workstation namin.
Inis akong umupo sa aking pwesto. Abala sila Melinda sa pag-aayos ng kanilang sarili. Hindi na yata sila natapos sa kanilang ginagawa, hays.
"Hoy, te! Bakit mukha ka namang biyernes santo diyan ha?" inabutan ako ni Mark ng foundation nguni't inilayo ko lang ito sa akin. "Paano ba naman, may nakasabay akong diyan papasok sa pintuan."
"Sino, te?" biglang sumulpot si Melinda sa aking gilid. "Ewan. Hindi ko kilala, eh. Pero basta, para siyang tanga! Siya pa ang galit, e siya na nga itong nakahawak ng kamay ko."
"Bongga! Sino iyan, girl? Baka naman si Mr. Giovani na pala iyon, haa?" sabay silang nagtaas nang dalawang kilay ni Mark. Umiling ako. "Impossible. Sabi niyo, masungit si Mr. Giovani at mailang sa mga empleyado. Bukod pa ron, hindi siya nagsha-shades at nagfa-face mask sa loob. Kaya no. Hindi siya iyon."
"Pero parang magka-level sila ni Mr. Giovani eh. 'Yong tindig niya kasi parang pang mayaman. Idagdag niyo pa na hindi siya familiar sa akin—"
"Gaga! Paano naman magiging familiar sa mata mo ang mga guest ng kompanya? E, hindi ka naman naglalakad kapag may bisita?" tiningnan ko si Melinda at naisip na may point siya.
"Kahit na. Basta, hindi siya familiar sa akin. Medyo masama rin ang kaniyang ugali dahil ako pa ang humingi nang tawad imbis na siya," napairap ako sa hangin.
---
Nag-unat ako nang aking mga braso. Alas nuebe na ng hatinggabi at ako na lang ang empleyado natitira sa floor na ito. Nagsiuwian na kasi ang lahat dahil mabilis silang natapos sa kanilang ginagawa. Sinandal ko ang ulo sa aking swivel chair at ipinikit ang aking mga mata.
Si Melinda at Mark, kasama nila ang ibang workmates namin. Inaya kasi sila ni Ms. Adrianne na kumain sa labas. Pinipilit pa nga nila akong sumama sa kanila para naman daw makapag pahinga ako, pero nag insists akong manatili na lang dito. Marami pa kasi akong tatapusin at baka magahol naman ako sa oras kung sakaling sumama ako sa kanila.
"Giovani!" namulat ang mata ko nang makarinig nang boses ng babae. Inilibot ko ang aking paningin nguni't wala naman akong kasama rito. "Saan mo ako dadalhin?" dumapo ang aking tingin sa pintuan nang aming opisina. Glass ito kaya nakikita ko kung sino ang tao sa labas.
Tangina! Ano itong aking nakikita?! Bakit may dalawang taong naglalaplapan dito? Why are they eating each other at our workstation? Oh my god! Mag-iiba na ang tingin ko sa work place namin kung dito nila gagawin ang milagrong iyan—
Holy s**t! Si Mr. Giovani ba iyon?! 'Yong lalaking kahalikan ng magandang babae sa labas ng workstation namin? Agad kong kinuha ang aking phone at tiningnan ang litratong ipinasa sa akin ni Melinda sa Essenger.
"Si Mr. Giovani nga," lumuwa ang aking mga mata.
Muli kong tiningnan ang makalaglag pangang kaguwapuhan ng lalaki sa labas at muling binalik ang aking tingin sa phone. Hindi ako puwedeng magkamali. Malabo man ang aking mata pagdating sa mga tanga, pero malinaw naman ito kapag nakakakita ng mukhang hindi pang Pilipinas.
Napasigaw ako sa aking isipan nang buksan ni Mr. Giovani ang pintuan ng aming workstation. Gusto kong magwala para naman ma-distract silang dalawa, pero kapag ginawa ko naman iyon ay baka masisante ako sa trabaho.
Anong gagawin ko? Magtatago na lang ba ako rito? Bakit ba kasi dito pa nila naisipang gumawa ng milagro? Nagiging cheap na ba si Mr. Giovani kaya dito siya nagdadala ng mga babaeng kaniyang ikakama?
Help?! Natataranta na ako sa nangyayari.
"Giovani, please? Huwag dito. Someone will see us here!" late na siya. Kanina pa lang ay kitang kita ko na ang kanilang ginagawa. "No," tinakpan ko ang aking bibig. Hindi ko inaasahan na ang pangit pala ng boses ni Mr. Giovani, wala talagang makakatalo sa boyfriend kong si Roy. Wala man 'yong bayag, at least maganda naman sa pandinig ko ang kaniyang boses.
"It's cheap!" nagulat ako nang umalingawngaw ang malakas na boses ng babae. "I don't want to have s*x with you here!"
"Stop talking," ma-awtoridad ang kaniyang boses. Napaka lamig at nakakapanindig balahibo. "Take off your clothes."
Maghuhubad din ba ako?— biro lang. Gusto ko ng umalis dito! Ayokong masaksihan ang kababuyang gagawin nila sa loob ng workstation na ito. Bukod pa ron, kahit na 26 years old na ang lola mo, never pa akong nakakatikim ng s*x! Strict ang parents ni Roy at natatakot itong makabuntis ng babae. Parang ang dami namang babae sa buhay ng hinayupak na iyon?
Sumilip ako upang makita ang kanilang ginagawa at halos malunod ako sa sariling laway nang makitang nakalabas na ang malulusog na dyoga ng magandang babae. Mas mabilis pa sa isang superhero akong nagtago ulit.
"Anong gagawin ko?" kausap sa sarili habang rinig na rinig ang halinghing nang dalawang taong nagpapakasarap sa isa't isat.
Bumuntong hininga ako, at uupo na sana sa lapag nang biglang tumunog ang aking takong na naging dahilan kung bakit nagsalita si Mr. Giovani.
"Let her witness our intercourse."