"Dorothy, gusto mo ba ng kape?" nilingon ko si Melinda na abala sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit. Break time na kasi at wala naman akong intensyong kumain dahil pakiramdam ko ay busog na busog pa ang aking tyan. "Starvicks? It's up to me na lang kung anong flavor, ha? Gotta g, girl!"
Hindi na ako umangal sa kaniyang gusto at hinayaan na lang siyang bilhan ako ng maiinom. Tinatamad kasi akong maglakad lakad dahil hindi ako gaanong nakatulog nang maayos dahil hindi man lang ako tinawagan ni Roy nang ako ay makauwi.
Mukhang nagligalig na yata sila ni Inah dahil alam nilang hindi ako makakaapak sa pamamahay ng magulang ng walang bayag na boyfriend ko. Baka nga, pinaplano na nila ang pag-gawa nila ng pamilya— inang iyan! Ang layo na agad nang aking narating, ganito yata kapag tuliro na sa pag-ibig.
Nagpakawala ako nang mahabang buntong hininga. Mukha lang akong kalmado pero sa totoo lang ay kinakabahan na ang aking puso. Roy's past relationships with his ex-girlfriends make me doubtful of them. Idagdag mo pang ipinanganak na malandi si Inah at ignorante sa mundo si Roy.
Ginagawa ko lang katatawanan ang aking suspetsa para kung sakaling mahuli ko sila sa akto ay hindi na ako iiyak at magsasayang ng luha kay Roy. Pero mukhang mabibigo iyon dahil ngayon pa lang ay pakiramdam ko ng nanghihina ang aking tuhod— baka naman Lawla Remedios lang ang katapat nito?
Ginulo ko ang buhok. Ayan! Kung ano ano na ang aking naiisip. Tarantadong Roy kasi ito! Bakit pa siya nag-gi-girlfriend kung kay Inah lang naman niya ipopokus ang kaniyang atensyon? I must admit, Inah is always included in our dates. Hindi ko alam kung magtitimpi ba ako o mauunawaan na wala na siyang makain kaya sumasama siya sa date na dapat kaming dalawa lang ni Roy ang magkasama.
Naiinis din ako kay Roy! Hindi niya ako sinasabihan kapag isasama niya ang kaniyang childhood friend sa date namin. Kaya bigla akong nawawalan ng choice at pinipilit na lang ang sariling okay sa nangyayari.
One time, inaya ko siyang makipag-date sa akin. I said that I didn't want Inah to be a part of our date and that I wanted him to be by himself. Pero hindi siya pumayag. Isasama niya pa rin daw si Inah pero hindi raw ito kakain sa table namin— aba putangina! Hindi ako pumayag. Tandang tanda ko pa na nagpupuyos ang aking ulo sa kan'ya.
Sinabi ko sa kan'ya na wala siyang karapatan na hindi pumayag dahil all this time lagi ko siyang iniintindi. Sa aking inis pa nga ay pinuntahan ko siya sa kaniyang condo para lang hatakin ang buhok at ilampaso ang mukha sa kaniyang sahig. In the end, pumayag siya sa aking gusto at naging masaya naman ako.
Susunod din naman siya ang dami niya pang angal. Sabunot at lampaso lang pala ang sagot sa aking mga tanong. Kung alam ko lang na sa ganoong paraan siya makakausap ng maayos e'di sana ay iyon na lang ang aking ginawa kapag ayokong isama niya ang childhood friend niyang si Inah. Kinareer na ba no'n ang pagiging girl bestfriend ni Roy? Baka gusto rin niyang maging wife?
"Here's your coffee, Dori," nilingon ko si Melinda na kakarating pa lang pala. Inabot niya sa akin ang aking inumin at mayroon pa itong tinapay. Kukunin ko na sana ang wallet ng pigilan niya ako.
"Treat ko na iyan sa'yo, te. Napapansin ko kasi na wala ka minsan sa tuliro at baka may prob ka na naman sa iyong boylet," gusto ko namang umiyak dahil kahit katiting na problema sa akin ay kaniyang napapansin. "Thanks, Melinda. Hayaan mo at susuklian ko rin ang iyong kabaitan—"
"Ang o.a ng bruha. Okay lang kahit hu'wag mo ng suklian iyang binili ko. First off all, treat ko sa'yo iyan, gaga. Second, gusto ko lang talagang makita ang boss nating si Mr. Montemayor!" hindi na ako nagulat sa kaniyang sinabi. Maraming patay na patay kay Giovani Montemayor. Iyon ang CEO ng kompanyang aming pinagtatrabahuhan.
Kapag sinabing Montemayor— powerful agad ang maiisip ng karamihan. Hindi lang kasi isang kompanya ang pinapatakbo ng pamilyang ito dahil miski politika ay pasok ang pangalan ng mga Montemayor. Vice president ang Tatay ni Mr. Giovani Montemayor, at lahat ng tao ay gusto ang kaniyang ugali. Grabe kasi ito kung tumulong sa mga nakakarami.
Maraming business ang mga Montemayors. Umiikot ang kanilang apelyido sa mundo ng business world. Hindi lang iyon dahil marami ring natatakot na banggain sila dahil alam ng mga ito na walang laban na inaatrasan ang mga Montemayors.
Hindi lang iyon, dahil bukod sa pagiging matalino at magaling nila sa business— ay ipinagpala rin ang kanilang mga mukha. Sobrang guwapo at ganda ng pamilyang Montemayor at malalaman mo talagang isa sila ron dahil sa tindig na sila lang ang kayang magparamdam.
Iyon, maraming nagkakagusto sa aming CEO, nguni't wala naman siya sa aking isipan. Hindi ko pa kasi ito nakikita at wala naman akong balak dahil ubod daw ito ng sungit. At nand'yan naman ang boyfriend ko. Wala man iyong bayag at nagiging ignorante kapag kasama si Inah, iyon pa rin ang pipiliin ko sa araw araw.
"Ikaw naman, Dori! Bakit ayaw mo kasing sulyapan ang boss natin?" umusog siya banda sa akin. "Gwapo iyon! Baka nga kapag nakita mo ang pagmumukha ni Mr. Montemayor ay bigla mo na lang hiwalayan si Roy!"
"Ang bunganga mo naman, Melinda. Hindi ko pa rin ipagpapalit ang boyfriend ko ha. Tsaka, don't underestimate my boyfriend— baka hindi kayang tumbasan ni Mr. Montemayor ang mga magulang no'n," nag flip ako nang buhok.
"Sobrang yaman ba ng magulang ng boyfriend mo?" umiling ako. "Hindi, pero matapobre sila—"
"Oh my god, Dori! Ano ba iyang sinasabi mo? Akala ko naman ay sobrang yaman ng magulang ni Roy! Matapobre pala— grabe ka," humahalakhak siya. Ito kasi ang hobby namin ni Melinda. Ang laiitin si Roy sa kaniyang likuran— nagbibiro lang ako. Nagrarant lang talaga ako sa kan'ya sa tuwing pinaparamdam sa akin ng pamilya ni Roy na hindi nila ako tanggap.
"Melinda! May bago na naman tayong ipopost sa Twiti!" nilingon ko si Mark. Iyon naman ang bakla naming kasamahan at isa rin siya sa humahanga kay Mr. Giovani Montemayor. Mayroon nga itong poster sa loob ng kaniyang kwarto— sinabi niya sa akin.
"Oh my god! Ang hot naman ng boyfriend ko rito," for sure, pagmumukha ni Mr. Montemayor ang kaniyang tinitingnan. Actually, nakita ko na ito sa mga picture at masasabi ko talaga na makalaglag ng panga ang kaniyang kaguwapuhan, pero hindi ko pa ito nakikita sa personal.
Wala naman kasi ito sa aking schedule at wala talaga akong balak na tingnan ang kaniyang pagmumukha. Bukod pa ron, ano ang maitutulong niya sa aking problema? Maiibsan ba ng kaniyang pagmumukha ang bigat na aking nararamdaman?
Mawala lang si Inah sa aking paningin, siguradong mawawala na iyong sama ng pakiramdam ko. Siguro, mangkukulam ang gagang iyon. Sumasama kasi ang timpla ko kapag nakikita ko siya. Parang gusto kong kaladkarin ang kaniyang buhok at ilampaso ang mukha sa sahig, syempre by partner iyon kaya isasama ko si Roy.
"Guys! Darating daw si Ms. Adrianne!" mabilis na bumalot ang malalakas na ingay sa loob ng aming workstation.
Kilala namin lahat si Ms. Adrianne, at ito lang yata ang nag-iisang Montemayor na aming nakakausap. Mailap kasi ang iba sa tuwing bumibisita ang mga ito kay Mr. Giovani. Sobrang bait ni Ms. Adrianne kaya lahat ng empleyado sa kompanyang ito ay gustong gusto siya. Bukod pa ron ay saksakan ito ng ganda. Syempre, isa siyang Montemayor.
"Omg! Bakit nagkakalat ngayon ang mga Montemayors?!" nag hysterical na si Melinda kaya naman pinainom ko sa kan'ya ang binili niyang starvicks sa akin. "Wow, salamat ha. Lasang damo pala ang matcha."
"Gaga! Anong gagawin natin?! Mag-aayos na muna ako, mother! Magpapakuha ako ng litrato sa ating beautiful Adrianne!" hindi na namin napigilan si Mark dahil miski si Melinda ay nagpunta na rin sa kaniyang desk at nag-ayos na ng kaniyang sarili.
Nawala lang ang aking atensyon sa kanila ng marinig kong mag-ring ang aking phone. Tiningnan ko ang caller at napangiti ako nang makita ang pangalan ni Roy.
Walang bayag kong boyfi is calling...