Episode 11

768 Words
 Nandito kami ngayon sa sofa ni kuya.kakaalis lang din ni tito lourence,tumingin ako Kay kuya habang natatawa ako saaking isipan marahil dahil parin sa kwento ni tito. "Iyakin ka pala eh"mahina Kong Sambit at pilit na nagpipigil ng tawa,nagbigay sya ng masamang Tingin. "Manahimik ka dyan at manood"anito.nanood lamang sya sa tv ngunit bakas padin sakanyang mukha ang inis."kuya,akala mo talaga kulangot yung Sundot kulangot?"tanong Kong nakangiti. "Need ko pa bang ipaliwanag sayo ang nangyare nun?"sarkastiko nyang Sambit. "Hmm,kaya ka siguro walang jowa kasi napaka maldito mo"ani kong mahina Pero sapat na para kanyang marinig.lumingon sya saakin nanlaki ang aking mata dahil sa gulat ng hinawakan nya ang aking mukha."k-kuya Jaycee?"utal Kong tanong. "Gusto mo talagang malaman kung bakit wala akong jowa?"tanong nitong seryoso,hindi ko Alam kung bakit namula ang aking pisngi sakanyang tanong. "W-wag na,baka wala lang talagang nagkakagusto sayo"ani kong pagsisinungaling.alam ko naman na maraming naghahabol Kay kuya dahil sa kakisigan at kagwapuhan nito,samahan pa ng porma nyang mala gangsta. "I don't even know why I don't have a girlfriend..maybe dahil sa first love ko"sagot nya na ikinataka ko.may first love pala sya?hindi ko Alam Yun ah. "May first love ka?"tanong ko.at sapagkakataong ito inalis nya ang kanyang kamay saaking mukha. "Yeah,but sadly I can't make her mine"mahina at malungkot nyang Sambit sabay iwas ng Tingin saakin.  "Huh?bakit naman?Asus sigurado akong makukuha mo sya kuya ikaw paba?"nakangiti Kong ani para sya'y lakasan ng loob."No,I can't at Bawal"mas Lalo akong naguluhan.bakit naman Bawal?.  "Don't ask me why,masyado kanang madaming tanong"iritado nyang Sambit tsaka muling ibinaling ang ulo sa tv.  "Umh kuya maraming salamat nga pala."ani kong nakayuko. "For what?"  "Sa ano...umh tinulungan mo Ko kanina akala ko talaga di nako makauwi eh"nahihiya ako.di ko magawang makatingin sakanya kasi ngayon lang ako nagpasalamat sakanya ng seryoso."tinulungan kita kasi ayaw Kong mapahamak at mapagalitan nila mama at papa"walang ano nyang sagot,ngumuso nalang ako sa inis hays dahil dun kaya nya pala ako tinulungan?. "Tsk,salamat padin"Sambit Kong naiinis,ngumisi sya at tumingin saakin. "Ikaw ?ano pumasok sa isip mo kanina at sinabi mo Yun Kay mama?"tanong nyang nakangisi."yung alin?yung pagpapalusot ko kanina?"tumango sya bilang tugon. "Ayaw kasi kitang mapagalitan..."ani ko.nawala ang ngisi sakanyang mukha.pero nakatingin sya saakin na parang nangungusap ang kanyang mata.  "Don't do that"mahina nyang Sabat. "Why?ayaw lang talaga kita mapagalitan "Sambit ko ulit.lagi kasing napapagalitan si kuya kahit nung mga bata pa kami.  "Stop caring for me.. before I fal- n-nvm"utal nyang sabi.hindi ko naintindihan ang una nyang sinabi dahil sobrang napakahina at hindi nya pa tinuloy ang dapat nyang sasabihin."patayin mo nalang yang tv kapag inaantok kana" ani nya pa.sabay tayo at lakad papaalis.  "Ano bang problema nya?"tanong ko sa sarili ng makaalis sya.bigla nalang bumalik ang pamumula ng aking pisngi ng maalala ko ang paghawak ni kuya saaking mukha..ang kanyang kamay ay malambot..at ang kanyang mata ay parang may gustong sabihin Pero di ko mawari Kung ano..hayss bakit ko ba iniisip Yun at bakit ako namumula?!  "Ahhh nakakainis ka kuyaa why you touch my face" mahina Kong Sambit habang pinagpapalo ang unan. [Kinabukasan] Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama saaking mata,agad kong ibinulat ang aking mata at nagunat ng katawan"hmm good morning god"ani kong nakangisi tumayo nako at lumabas upang mag hilamos at mag toothbrush.  "Good morning anak" pagbati ni papa at mama ng pumunta ako sa hapagkainan. ngumiti ako at binati din sila ng good morning."ma Asan si kuya?"tanong ko.tumingin saakin si mama na parang nagulat,marahil ngayon nya lang narinig saakin na hinahanap ko si kuya sa Umaga.  "Ah,asa labas ng garden may kukunin daw sya"sagot ni mama at nagpatuloy sa Pag hahanda ng hapagkainan.ano kaya kukunin ni kuya?."ayy tawagin mo narin sya anak at kakain na kamo tayo"pakisuyo ni mama,agad akong sumunod.pinuntahan ko si kuya sa labas at Tama nga si mama asa garden si kuya at Tila pumipitas ng bulaklak. "Kuyaaa!"sigaw Kong pagtawag sakanya.agaran syang humarap saakin sabay tago sa mga bulaklak na kanyang pinitas."oh ano ginagawa mo dito?"iritado nyang tanong. "Pinapagtawag kana ni mama Sabi nya kain na tayo"nakangisi Kong sambit.tumingin ako sakanyang likod at Alam Kong mga bulaklak iyon,bakit kailangan nya pang itago. "Aanhin mo yang bulaklak kuya?"tanong ko.hindi kaagad sya nakaimik"ayt para sa first love mo noh???"ani kong pagtutukso sakanya.  "H-hindi"ikli nyang Sambit  "Edi para kanino?"tanong ko ulit. "Para sayo,oh kunin mo na at wag kanang magtanong"ani nya at kaagad akong iniwan ng maingay nya ang bulaklak saaking kamay.huh?p-para saakin?tatanungin ko pa Sana sya kaso nauna na sya sa loob. Binigay nya ba ito saakin dahil na Iwan ko kung saan ang mga napitas ko kahapon?Pero..bakit kailangan nyang gawin iyon para saakin? Wahhh bakit nanaman namumula ang aking pisngi?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD