Present....
At iyon na nga ang history ng aking pagiging Coordinator. Masaya naman siya lalo na sa mga panahon like this na wala si...
“Verna!”
Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang maglakad ng mabilis palabas ng compound ng Brigantys which I would like to say, isa sa pinakamadaling compound kung saan malabo kang maligaw.
Alam kong maabutan pa rin ako pero mas gusto kong subukang makatakas. Baka naman after almost four years ay makatakas din ako finally.
“Verna! Hintay!”
Mas malapit na ang boses at sa halip na magpakahirap ay minabuti ko na lang tumigil sa paglalakad kesa mapagod.
What’s the point na tumakas kung siya ang nahabol sa’yo?
Isang lalaking Rayser ang biglang sumulpot sa harap ko. Napakiling ang ulo ko at napailing.
How much did he changed since our first year days?
Nawala na ang baby fats nito at mas naging prominent ang Arabian features nito. His bronze skin and eyes are his best features. Ang buhok niyang wild animo’y laging nahahanginan. Ang katawan niyang gumanda sa equestrian sport na kinahihiligan nito.
Ravinder is one hell of a catch at bakit kaya hindi ako makaramdam ng kahit anong attraction dito?
Well alam ko na din naman ang sagot.
Biglang nag-blush ito at napayuko. Kahit ilang beses ko nang nakita itong magkaganon ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kainosentihan nito.
“Wag mo naman akong titigan ng ganyan Verna. Hindi kaya naiinlove ka na din sa akin finally?” tanong nito sa akin.
Tumarak na lang ang mata ko sa ere at tinapik ito sa balikat.
“Magiging tatsulok na ang buwan pero hindi pa rin ako maiinlove sa iyo,” mabilis kong sagot dito.
Tumingin ito ng deretso sa mga mata ko at ngumuso, “Eh bakit mo ako tinititigan?”
“Kasi ang gandang lalaki mo Ravinder. Bakit ka ba nag-aaksaya ng oras sa akin? Wala akong gusto sa iyo. Gagraduate na tayo at lahat hindi ka pa rin natigil sa panliligaw mong pururot. Sandamakmak ang mga babaeng nagkakandarapa matinginan mo lang,” paalala ko ditong tanong.
“You’re not them Verna. Tingin mo ba tatagal ako ng halos apat na taon kung hindi kita mahal ng sobra? Kahit umabot pa ako ilang dekada dito, di ako titigil. Hindi ako magsasawa basta para sa’yo,” pangako nito sa akin.
In a way nakikita ko rin ang sarili ko dito kay Ravinder.
Tulad niya ay mag aapat na taon na din akong naibig sa taong hindi naman ako mahal or kilala.
Si Travis...
Siya ang “The One” at Prince Charming ko.
Travis Hausen. Galing daw ito sa Tripartite Alliance Nations. Isa sa mga heartrobs at crush ng bayan.
Hindi lang ako ang nag-iilusyon sa kanya. Halos lahat ng mga babae from all ages and factions.
Even guys.
Pinadala siya dito ng T.A.N as an act of goodwill to the Philippines kasama ang kakambal nitong si Stacy Dahl at pinsang buo na si Louise Faulken.
Noong gyera ay ilang libong mga batang nag-aaral mula sa T.A.N ang pinag-alayan ng buhay ng mga Pilipino para protektahan at bilang utang na loob ay tumulong ang mga bansa ng Aristocratic Dukedom of Riksent, Imperial Dominion of Scandinavia at Democratic Kingdom of Greenland na bumubuo ng T.A.N sa pagsasaayos ng Pilipinas.
Naging major investors ang mga ito at nag-angkat ng madaming produkto at sa Pilipinas lang exclusively naghahire ng mga foreign employees.
Hindi ko alam kung bakit high profile sila Travis pero may mga chismis na konektado ang mga ito sa Royal Families ng T.A.N.
Well, regardless balang araw naniniwala ako na magkikita din kami ulit. I will just wish in the star and hope with all my heart.
If I keep on dreaming surely everything will be fine. I just need to wish harder.
“Ayan ka na naman Verna. Pinagnanasahan mo na naman ung hilaw na kano na yun,” maktol na sabi ni Ravinder sa harap ko.
Namaywang ako at dinuro ito, “Excuse me Ravinder! Riksentian siya! Hindi kano! At hindi siya hilaw!”
“Sus! Pake ko kung Riksentian iyon o Dalmatian yung gags na yun? Di hamak na mas swerte ako sa kanya!” pagmamalaki nito sa akin.
“At bakit naman?”
Ngumisi ito at ngumiti na kung wala akong Travis ay tiyak laglag ang panga ko at tulo na laway, “Kasi ako ang lagi mong kasama at kausap.”
Umiling na lang ako at huminga ng malalim. Kapag ganito na si Ravinder ay wala nang sense kausapin ito.
Nagsimula na lang ulit akong maglakad at inimagine na wala siya.
“Verna ang lamig mo naman! Kasing lamig mo ang compound ng Rayse!” reklamo nito sa akin at sumabay na ito sa aking paglalakad.
“Shut up pwede ba Ravinder?!” angil ko dito.
“Ang hot naman ng ulo mo! Kasing hot ng compound ng Almorica!” hugot agad nito na nagpatawa sa isang grupo ng Almoricans na nadaanan namin.
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kapag nagsimula na itong humugot ay hindi na ito titigil. Iinit lang ang ulo ko kaya hinayaan ko na lang itong sumabay sa akin.
Tahimik din kaming naglalakad. Sanay na ako sa ganitong set-up.
Napapansin ko din na nakatitig na nakatitig siya sa akin. Same kind of stare he gave me years ago when we first met.
Hindi ko ba alam kung love o infatuation ang nararamdaman nito sa akin.
Walang sawa ito sa pagsunod at panliligaw sa akin na ginagatungan naman nila Paladia at Zhazsa.
They thought we we’re a perfect example of the Alliance of Rayse and Vasque even though hindi ko ito sinasagot ever since.
Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa compound ng Almorica at laking gulat namin ng may apat kaming tao na nakitang nakayuko nang naglalakad palabas ng mala-desyertong bakuran.
Kilala ko ang mga ito at nagkatinginan kami ni Ravinder bago muling bumaling sa apat na estudyante na animo’y malapit nang bumagsak.
Ang una sa linya ay si Stellar kasunod ang Coordinator nitong si Niela. Sa likod nito si Mystina at akay niya si Shivali ang Coordinator ng Zymeth.
“Wala na namang makasabay na Almorican!” galit na sigaw ni Stellar na pinampapahid ng pawis ang puting scarf, “Thanks Timothy!” sambit nito na tinutukoy ang current Representative Councilor ng Almorica.
“FAK DIS!” gigil na sigaw ni Niela or Niel ang bakla o nag babakla-baklaang Coordinator ng Phidoch na nakakakuyom ang mga kamay na parang may susuntukin na.
Sa likod nito ay si Mystina na pinapaypayan ni Shivali ng lantang flower garland nito na gawa sa kalachuchi at nakakapit sa braso nito na parang mga nasalanta ng delubyo, “I KENNAT!” tangis nito sabay tuloy sa pag-iyak.
“ANAK NG PUSA!” impit na irit ni Shivali habang pinapahid sa dehydrated na mukha ni Mystina ang violet scarf nito at tumarak na ang mga mata nito ng makaabot sila sa bronze statue ni Apollinaire at sumalampak na sa paanan nito, “DI KO NA KERI!”
Sumugod agad kami ni Ravinder sa tabi nilang apat pinaypayan ang mga ito. Thankfully meron akong tubigan sa bag ko at pinansalok ko ito sa fountain sa paanan ng statue ni Polli at iniabot muna kay Mystina na talagang ngayon ay nag dedelirio na.
“Volkner... bakit?! Volkner... Volkner wag! Volkner... Mahal na mahal....” bulong nito habang pinapainom namin ng tubig ni Ravinder.
“My Goodness! Sinasabi ko na nga ba Shivali! Sinasabi ko na nga ba! Hanggang ngayon ay in love pa rin ang bakla kay Volkner! Pak Ganern!” tili ni Neil sa girlfriend nito na tumango agad.
“Oo nga my loves! Sana magising ulit yang si Mystina ng mapatulog ulit! We knew it!” inis na sabi ni Shivali habang pinapaypayan ang Representative Councilor ng Zymeth na wala pa ring malay.
Nilingon ko si Ravinder na mukhang hindi makatingin sa akin at pansin ko na tahimik lamang na nakahawak ng mahigpit sa kapatid si Stellar.