“Sino si Volkner?” lakas kong loob na tanong.
Isang nakakabinging katahimikan ang sumagot sa akin at malakas na ihip ng heatwave ng Almorica ang dumaan sa aming anim.
Nagkibit balikat si Neil at umupo sa tabi ni Shivali at sumalok din ng tubig para inumin.
Nangasim naman ang mukha nila Stellar at Shivali habang si Ravinder naman ay nakayukong nakayuko na parang hiyang-hiya.
“Well, wala naman tayong gagawin ditey. Why not tell the chismax my dear Stellar? Victoria’s Court naman for sure diba ang scene ng Representative Coordinator ng Vasque diba?” sabi ni Neil sabay tingin sa akin na parang nagtatanong.
Di ko gets ang sinabi nito kaya alanganin akong tumango.
Bumuntong hininga si Stellar at umupo na sa tabi ni Shivali habang patuloy pa ding nakatitig sa kapatid nitong mukhang ayos na at natutulog na lamang.
“Volkner...” sambit ng tulog na si Mystina kasabay ang isang patak ng luha na bumagsak mula sa mata nito.
“Wala din naman tayong gagawin at nandito na din naman tayong lahat. Why not, Neila?” malungkot na ngiti ni Stellar sa kaibigan.
“Perfect! Simulan na ang flashback within a flashback. Muling ikwento ang mga pangyayari nung mga bata pa tayo. Prepare your tissues para sa mga tutulong luha at uhog. This is not a happy ending, kiddies,” paalala ni Neil sabay tingin kay Ravinder na bigla na lang sumadal sa akin, “Right, Papa Ravs?” nakakaloko nitong tanong sa katabi ko na marahang tumango.
Hinaplos ni Stellar ang mukha ni Mystina at ngumiti, “It was years ago. Back when we we’re all in the elementary days...”
At tuluyan na nga akong nakarating sa nakaraan nilang lima. Walang kaibahan pag pinapasok ko ang mundo ng aking binabasang istorya...
-0-
“Sunog na baboy!”
“Ay namumuti na ang buhok!”
“Lola!”
“Matakaw!”
Sunod-sunod ang kutsa sa kawawang si Mystina sa Rayse faction ng mga kaklase nyang lalake at babae. Mga mapuputi ang mga ito, magaganda ang hitsura at ubod ng yaman. Hindi ba niya alam bakit dito ba siya napalagay at hindi sa Zymeth kung saan sikat ang Mommy niya.
Lalo na si Volkner.
Crush na crush ito ni Mystina. Pisigan ang katawan ng labing-dalawang taong gulang na bata. Maputi ito, matangos ang ilong at ubod ng gwapo. Kamay lang ang panuklay nito sa buhok na kulutin nagugulo pag naglalaro sa snowfield ng Rayse Faction. Pero ito lagi ang nangunguna ang sa pangungutya sa kanya.
Obese si Mystina. Paano’y lahat ng gusto nitong pagkain ay binibigay ng mga magulang nito. Ang itim lalo ng mulata nyang balat gawa ng kakabilad sa araw. Ang buhok nya ay sabog na sabog at lalong nagkukulay abo dahil sa araw na namana niya sa Rayser niyang tatay na si Mystogan Ackerson. Ang Martyr Hero ng Rayse Faction.
Umiiyak na sya ng may isang payat na babaeng humarang na pumagitna sa kanya at kila Volkner. Mas matangkad ito kay Mystina o kay Volkner. Actually ito ang pinakamatangkad sa lahat ng grade school students. Makinis ang malagatas nitong balat at mahahaba ang pilik mata. Mukha itong anghel dahil brown na brown sa araw ang mga mata at buhok nito sa ilalim ng araw. Matangos ang mahaba nitong ilong at whitish-brown ang balat. Nililipad ng malamig na hangin ang mahaba nitong buhok na kulot sa dulo.
“Sumusobra na kayo ah! Bakit hindi ako ang patulan nyo ng magka-alaman kung sino ang magaling?!” hamon nito sa grupo sa Volkner, “Nakalingat lang ako ng kaunti pinagtri-tripan nyo na agad ang kapatid ko?!” hiyaw nitong malakas.
Hulog talaga ng langit kay Mystina ang kanyang kapatid na si Stellar Mari Maranan. Lagi na lang itong nasugod sa mga nang-aaway sa kanya.
“Uupakan na kita babaeng tuod!” sigaw ni Volkner sabay suntok kay Stellar.
“Ate!” sigaw ni Mystina sa kapatid na natamaan sa mukha.
Dumura ng dugo si Stellar at astig na pinunasan nito ang dugo sa labi nito, “Yun na ba iyon? Wala na bang lalakas dyan? Mas masakit pa ang kalmot ng pusa namin. Tapos ka na diba?” panginis nito dito na pinatulan naman ng bata.
Sumugod ulit si Volkner pero ang ikinagulat ng lahat ay ang pag-ilag nito at walang ano-ano ay tinadyakan ito sa panga. Talsik ang pobreng bata sa nyebe. Putok ang labi na namamaga na ngayon.
Nagpulasan ang mga kaibigan ni Volkner at naiwan itong nag-iisa na nanginginig sa takot ng lapitan ni Stellar at tinawanan, “Kung talagang matapang ka, sa akin ka lumaban at wag sa kapatid ko pogi. Napaghahalataan ka tuloy na puro ka pa cute wala ka namang sinabi sa akin,” dinuro pa ito ng kapatid ni Mystina at tinitigan ng masama, “Wala akong pakialam kung lokohin mo ako o ang lahat ng students dito o teachers. Pero sa oras na makita ko na pinagtri-tripan mo o ng mga kaibigan mo ang kapatid ko...” hinaplos ni Stellar ang makinis at mamulamula nitong pisngi, “pipingasan ko yang pinagmamalaki mong mukha,”
Tinalikuran ito ni Stellar at sa isang iglap, ang malademonyong itsura nito ay naging parang sa anghel nang lumapit ito sa kanya, “Mystina ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Pasensya na ha? Mahaba kasi ang pila sa c.r kaya hindi kita agad nabalikan,”
“Ate... baka mapa-principal ka na. Sabi ng guidance counselor pag nakipag-away ka ulit ay sa Headmistress’ Office ka dadalhin,” takot nyang sabi dito.
Ngumiti ng malungkot ang ate nya at tumango, “Oo nga ano? Di bale, samahan mo na lang ako sa principal’s office. Unahan na natin ang nanay ni pretty boy. Tyak na susugod yun,”
May lumapit sa kanilang isang batang lalake at inabot ang cellphone ni Stellar dito, “Ate Stellar nakuhanan ko lahat!” exited nitong sabi, “Malinaw at malakas ang volume,”
“Salamat Neil. Oh eto, as promised nandito na ang hinihingi mo sa aking beyblade,” ibinigay ni Stellar ang favorite nitong beyblade sa kaklase nila.
“Ay salamat ate! Gusto ko talaga nito! Sige alis na ako ha? Sabihin mo sa akin pag may ipapagawa ka ulit! Wala na bayad!”
“Sige Neil, pasabi kay Ma’am nasa Headmistress’ Office kami ni Mystina ha?”
“Ok Ate!” sagot nito sabay alis habang tuwang-tuwa sa laruan.
“Ate, sayang yung beyblade mo. Pinagipunan mo yun diba?” tanong ni Mystina sa kapatid ng naglalakad sila sa malamig na hallway ng Rayse.
“Ok lang. Mabait naman si Neil at madali pakiusapan. Iipon na lang ulit ako. Tahimik ka lang sa office at wag kang iimik ha? Ako ang bahala,” paalala nito bago sila kumatok at pumasok sa office ni Ma’am Almendrala ang headmistress ng Rayse Faction.
May tinatype ang matandang babae ng pumasok sila. Nagulat ito at kumunot ang noo, “Yes dears? Ano kailangan nyo?”
Tiningnan si Mystina ng makahulugan ni Stellar sabay ngiti sa principal, “Ma’am, sabi po kasi ni Ma’am Nova last time na mapa-guidance office ako ay pag nakipag-away ulit ako ay dito na po ang deretso ko,” magalang na sagot nito.
“Pinapunta ka dito ni Ms. Nova?”
“Hindi po. Dumiretso na po ako dito,” mabilis na sagot ng kapatid nya.
Hindi nakaimik ang Headmistress at napataas ang kilay in admiration and curiosity sa kapatid nya.