“Well, that was the last time na may nang-away kay Mystina. I’ve never let them touched her again,” satisfied na sabi ni Stellar habang nakatingin sa kapatid, “I made sure na magiging safe siya. But this world is full of assholes and bullies. Hindi pa rin kami natahimik. Bumalik ulit si Volkner sa buhay namin,” inis na sabi ni Stellar.
At muling nagpatuloy ang istorya nila...
-0-
4 years ago...
“Sana ako ang kuhaning ka-partner ni Volkner!”
“Ilusyunada! Ako ang kukunin nya!”
“Tingnan lang nya ako ayos na!”
“Bawal nyong pag pantasyahan si Volkner! He’s mine!”
Pabalagbag na itinapon ng ate Stellar nya ang binabasa nitong libro sa bag nito. Mukhang naingyan ito sa mga kaklase nilang walang ibang bukang-bibig kundi si Volkner.
Next week ay Freshmen’s Ball na nila.
Nilipat ng ibang section si Volkner.
Pero lagi itong naiwas sa kanya.
Malamang ay nagka-trauma sa Ate Stellar nya.
Madami itong babaeng dine-date. Simula grade school hanggang ngayong gra-graduate na sila pero wala parin itong nagiging girlfriend.
Balita nya ay kahit sa kiss ay virgin parin ito. Parang nagmamayabang lang si Volkner sa school na madami ang nagkakagusto dito. Madami na din itong napaiyak pero mas madami pa din ang nag-iilusyon dito. Isa na sya doon.
Mataba parin sya. Suman ang tawag dati sa kanya ng mga classmates nya bago sila bugbugin ng ate nya. Ang sira namang Duncle nya ay kinukunsinti pa ang pagiging amazona nito. Pag-ipapatawag sa school dahil may nasuntok ang ate Stellar nya, ang Mommy at Duncle nya ay pakunwaring pinapagalitan ang ate nya at nangangakong paparusahan ang anak nila. Pero paglabas na paglabas naman nila ng school ay deretso na sila sa mall kung saan nagpapa-victory party ang mga magulang nya para dito.
Job well done daw ang pagiging protective nito sa kanya at tinataasan pa ang allowance nila. Grade six pa lang kasi ay black belter na ito sa taekwondo at isinaksak sa utak ng ate Stellar niya ni Duncle na kaya sya pinag-aral ng taekwondo ay para sa self-defense nito at para protektahan sya sa mga mang-aapi.
Dapat gagapang daw pauwi ang magpapahiya sa kanya. Utos ng mommy nya sa kanyang kapatid na sineryoso naman ang trabaho na inatang dito.
May mga nagiging kaibigang din sya pero kakaunti. Sabi na lamang ng ate nya sa kanya na kakaunti lang daw kasi ang totoong tao sa school at isa na doon si Shivali, ang 1/2 Indian nyang classmate na mukhang full bumbay.
Ang ganda nito at walang sinabi ang matangos nyang ilong sa MATANGOS nitong ilong na sobrang perpekto at proportioned. Ang lalantik din ng pilik-mata at ang kinis ng coffe brown na balat.
“Shivali pupunta lang ako ng C.R. Mystina itigil mo na yang pagtunganga mo dyan at maglalabasan na. Ihanda mo na ang gamit mo at kailangan tayong maka-alis agad. Hinihintay tayo nila Ninang Hazel at Ninang Sherri. Ipapamili daw tayo ng damit,” bilin sa kanya ng ate nya bago ito lumabas ng room para mag C.R. pero naharang agad ito ni Neil.
“Sister may problema aketch! Walang kapartner ang lola mo sa ball!” maluha-luha nitong sumbong sa ate nya.
Malapit nila itong kaibigang ng ate nila. Elementary pa lang sila ay habol na ito sa ate nya. Akala nya may gusto ito dito... yun pala idol nito ang ate Stellar nya.
“Tamang-tama Neil walang kapartner si Shivali, kayo na lang dalawa,” mabilis na tugon dito ng ate nya at sinabihan sya ng, “You know what to do,” sabay sibad nito sa c.r.
Eksaheradang tumarak ang mata nito at nagpay-pay, “Its Neila! N-E-I-L-A! Bakit mo ba niyuyurakan ang pangalang ipinagkaloob sa akin ng aking Mudra! Lafangin kita dyan e!” banta nito sa ate nya sabay pasok sa classroom, “Pambwisit talaga sa beauty ko kahit kailan ang ate mo, bruha! Sarap umbagin kung hindi nga lang maganda ang nena--- bakit kayo nakatitig sa beauty ko?!” biglang tanong nito sa kanilang dalawa ni Shivali.
Hindi talaga kayang tanggapin ng balunbalunan ni Mystina na bakla ito. Literal itong tall, dark and handsome. Dahil sa ama nitong Nicaraguan Ambassador ay napilitan itong mag-gym. Ang ganda ng katawan. Sabi ng mga babae ay wala na halos itulak kabigin sa dalawa nila Volkner at Neil sa kakisigan at kagwapuhan, wag nga lang tatarak ang mata nito, lalantik ang mga kamay at iimik. Isa pa ay wala itong gusto sa lalaki basta malambot lang ito na namana sa ina na parlorista ang imik. Spoiled na spoiled ng ama kahit bakla ito.
Pero sabi ni Tito Nilo sa kanilang tatlo nila Stellar at Shivali noong PTA meeting ng Rayse Faction na nagbabakla-baklaan lang ito dahil takot mapikot.
Mahirap mang paniwalaan pero kahinahinala nga ang kilos nito. Sa harap ng madaming tao ay yanong gaslaw nito. Pero ng makita nila minsang solo ito sa isang lugar ay sobrang maton ang kilos at lalaking lalaki.
Lalo itong gumandang lalaki ng nanlaki ang mga malamlam nitong mata sa gulat, “Omigosh! Natotomboy kayo sa akin! Kaderder! Eeewww! So gross!” irit nito.
Sasagot na sana si Mystina pero biglang tumayo si Shivali at lumuhod sa harap nito, “Apat na taon na akong nanliligaw sa iyo Neila pero hindi mo pa ako sinasagot. Sana bago man lang tayo mag ball ay sagutin mo na ako. Mahal na mahal kita Neila,” mangiyakngiyak nitong pagmamakaawa kay Neil.
Natahimik ang mga kaklase nyang maingay. Hindi rin lingid sa kaalaman ng mga ito na matagal nang nililigawan ni Shivali si Neil. Nakatitig lahat kay Neil na namumutla at pinapawisan ng malamig.
“Ba—bakla aketch! Hindi tayo talo bruha! Pareho tayong eba! Dora the explorer ka ng ibang fafaness! Wag mo ako titigan ng ganyan bruha! Dudukutin ko ang ingrown mo!” banta nito sa babaeng nakaluhod sa harap nya na titig na titig dito.
“Kahit pa ano ka Neila, mamahalin kita. Kahit hindi mo ako mahalin ayos lang, basta ako lang ang papakasalan mo...”
Tumarak ang mata nito at nanginig ang mga labi, “Choz ka! Hindi pa pwede sa Finas ang same-s*x marriage! Ilusyunada ka! Haller!”
“Binyagan mo na yang boyfrie---este girlfriend mo Shivali. Sabi ni ate dapat ikaw daw ang first kiss nyan! Pakipot pa etong si Neil! Maria Clara ang peg? Kiss na! May makauna pa dyan, magkakamikrobyo ang labi nya... ewww...” gatong nya kay Shiva na mukhang natakot sa mga sinabi nya at walang kaabog-abog na hinila si Neil at hinalikan ng marubdob sa mga labi.
Parang nakinig nilang magkakaklase ang malamig na hangin ng Rayse Compound sa sobrang tahimik ng hinahalikan ni Shivali si Neil. Maya-maya pa ay kumalas na si Shivali at tumalikod dito. Tatakbo na ito ng biglang hinawakan ito ni Neil sa braso.