“Masarap ka pa lang maging girlfriend Shivali ang galing mong humalik kahit walang practice. Akin ka na lang ha?” tanong nito gamit ang malagong at malambing na boses na once in a blueish-red moon nila makinig, sabay hatak sa gulat na si Shivali at binigyan ito ng isang passionate kiss na parang armageddon na bukas.
Naghiyawan ang buong klase at nagtalunan sa tuwa. Sa wakas ay natapos na din ang madugong ligawan ng isang bakla(?) at ng isang babae. We all know na ito ang madalang na forever na sinasabi ng iba.
Busy sa pagtalon sa tuwa si Mystina, ang mga bilbil nya ay nagdidiwang din para sa kanyang dalawang kaibigan.
Napatingin syang bigla sa labas ng classroom at nakita nya si Volkner na naka-volleyball uniform at nakaway sa kanya.
Kumunot ang noo ni Mystina at lumabas ng classroom. First time sya nitong pansinin after four years ano kaya ang meron?
“Bakit?” hiya nyang tanong dito.
Lalo itong gumandang lalaki. Lumaki ang katawan nitong pisigan at nagka-muscles. Naging tan ang balat nitong maputi kaka-basketball. Nandito parin ang killer smile nito at higit sa lahat, nagpeklat ang sugat nito sa labi na gawa ng ate nya noong grade six sila. Pero hindi ito nakabawas sa kagwapuhan nito.
Kung dati crush lang ang meron sya para dito, ngayon ay pagmamahal na. Hindi nya alam kung bakit sya nahulog dito kahit lagi sya nitong niloloko at tinitingnan ng masama. Pero ngayon parang nagkaroon sya ng pag-asa. Nakangiti ito sa kanya for a change. Winnie the Pooh! Ika nga ni Neil. Winner!
“May kapartner ka na sa ball?” tanong nito sa kanya.
Pakiramdam ni Mystina ay namula ang mukha nya ng marinig iyon. Pero kinontrol nya ang kanyang mga nanginginig na bilbil at umiling, “Wala pa. Hindi pa kami nagpipilian e,”
“Pwede ako na lang?” malambing nitong tanong.
Napatingin sya dito sa gulat, “Hah?!”
“Sabi ko kung pwede ako na lang ang kapartner mo sa ball?” linaw nito sabay tira sa kanya ng killer smile nito.
“Hindi pwede. Humanap ka ng iba,” sagot nya dito.
“Gawa ba ng ate Stellar mo?” inosenteng tanong nito.
Hindi makasagot si Mystina. Pero kung iimik sya ay oo ang isasagot nya. Mahigpit sya nitong pinagbawalang lumapit dito dahil masama daw parin ang kutob nito kay Volkner.
“Lagi ka na lang nakikinig sa ate mo. Tingnan mo sya ang masaya tapos ikaw ang malungkot? Hindi naman ata fair iyon diba?” matamis nitong tanong.
“Oo nga ano? Bakit ba ako nakikinig kay ate at nagpapakalungkot samantalang ang saya nya?” tanong nya sa sarili nya.
Umiling sya dito.
Lumapit lalo sa kanya si Volkner at inakbayan sya. Lumundag ang puso nya at hindi nya naiwasang hindi kiligin, “Gusto kitang makapartner Mystina ok? Wag mo na lang sabihin sa ate mo o sa mga kaibigan mo at tyak na pipigilan ka nilang magpakasaya ok?”
Tumango naman sya at ngumiti dito, “Sige...” tahimik nyang tugon.
“Hinintayin kita ha?” iyon lang at mabilis sya nitong dinampian ng halik sa pisngi at umalis na sa tabi nya.
Sa wakas... makakapagsaya na siya. Wala na ding pipigil sa kanyang magmahal. Ano bang alam ng ate Stellar nya sa kaligayahan nya?! Wala! Kaya magpapakasaya siya!
Ngingiti-ngiti si Mystina ng bumalik sya sa classroom. Malaya na sya sa nakakasakal nyang ate.
-0-
One week later...
Rayse Faction Dance Hall...
7 pm...
“Dyosaness ever ang eksena nang aking mga kapederasyon! Mga dating langaw! Ngayon sila na ang nilalangaw! Winnie the Pooh!” masayang sigaw ni Neil sa kanilang tatlo.
“Si Ms. Stellar parang tetra-pack! Puro kanto ang katawan! Samantalang si Ms. Mystina naman coca-cola body! Ang daming curves!” puna nito sa kanilang magkapatid, “Si Shivali naman... ay... ay...”
“Ano?! Imik?” hamon dito ng fiancee nito.
“Mas maganda ang beauty ko sa iyo impakta! Nakakahagas ka ng beauty!” ingos nito sa kasintahan na bumelat naman.
Pinkish-violet ang flowing gown ni Mystina para maitago ang kanyang excess luggage. Ang ganda nya dito labas na labas ang pagkahilaw nyang Filipina. Meron pa syang crown.
Para syang fairy princess.
Ang ate naman nya ay naka pure black na gown na may slit hanggang tuhod sa kanan. Labas na labas ang lahi nitong europea sa balat pa lamang. Si Shivali ay naka traditional Indian gown. Lalo itong gumanda at naging exotic ang dating.
“Takte ka pare!” bigla na lamang sigaw ni Rick ang pinakamaton sa klase nila kay Neil. Hindi naman nagulat ang bakla.
“Anebeyen fafa? May problem ka sa pezlak mo?” malamyos nitong tanong.
Ngumiti ito at umiling, “Wala pero sa mukha mo meron. Masyado kang gwapo! Buti na lang may Shivali ka na. Hoy bumbay wag mong papalapitan ito sa babae ha? Mauubusan kami!” biro nito sa dalawa sabay bati ng congratulations.
“Don’t worry fafa rick. One woman woman ako...Make it One girl woman ako or.... basta gets mo na yun!” sang-ayon naman nito.
Si Mystina naman ay nagkandahaba-haba ang leeg kakatingin kung dumating na si Volkner. Magsisimula na ang coutillion pero wala parin ito. May isang baklang kaibigan si Neil sa ibang section. Iyon ang kapartner ng ate nya.
Maya-maya pa ay dumating na si Volkner at tumabi sa kanya. Ang guwapo nito sa suot na black tuxedo. Speechless sya sa kisig nito at dating.
“Sorry Mystina late ako. Lakas ng snow sa labas,” paumanhin nito sa akin
Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase nya at kaibigan ng umangkla sya sa kamay ni Volkner at nagsimula na ang coutillion.
“Ha! Inggit kayo ano?! Ako ang reyna ng gabi! At wala sa aking makakapigil sa kaligayahan ko! Nakuha ko na ang mahal ko!” isip na lamang nya ng magsimula na silang magsayaw ni Volkner.
Nakangisi ito sa kanya samantalang kontento na lang siyang titigan ang mukha nitong ubod ng gwapo.
Tiningnan nya ang ate nya na kakwentuhan ang baklang kapartner at tumawa sya dito ng parang nakakaloko. Siguro gulat na gulat ang ate nya.
Nadaig nya ito.
Sa sobrang tuwa ay hindi nya namalayan na nalapit na sila ni Volkner sa buffet table.
“Vo-volkner, nalayo tayo sa linya,” kabang sabi niya dito.