“Verna!”
Napakurap ako at parang biglang lumitaw ulit si Ravinder sa aking paningin. Kaharap ko ito at parang kanina pa ata kinukuha atensyon ko base sa nakasimangot nitong mukha.
“Oh, ano nga ba sinasabi mo?” tanong ko sa kanya at inayos ko ang aking pagkakaupo.
Nasa labas kami ng stadium kung saan kagagaling naming sa practice ng Graduation Ceremony.
Wala nang isang buwan gagdraduate na kami.
May mga tulad nila Mystina at Stellar na excited na. Ang iba tulad ko namromroblema kung anong course kukunin.
Dagdag ko pa problema ko kay…
Tumikhim si Ravinder at sumimangot sa akin, “Sabi ko kung ano course kukunin mo?”
“Literature siguro o Education,” sagot ko, “Maalin. Hindi pa ako sure. Ikaw?”
Nagkibit balikat si Ravinder at tumingin sa malayo, “Depende. Baka Pol Sci o Economics. Kung ano din gusto ng parents ko.”
Napangiti ako at tinapik ang kanyang balikat, “Yung iba nag rereklamo na namamakialam yung mga magulang nila sa pamimili ng mga kurso nila. Pasalamat nga sila may mga magulang silang pakialamero at pakialamera. Ako wala,” malungkot kong sabi sa manliligaw ko.
Napangiwi si Ravinder sa sinabi ko bago sinabing, “Aray natamaan ako!”
Tumawa naman ako at tumayo sa aking kinauupuan. Nakalimutan ko na nakapatong pala sa hita ko ang binabasa kong libro.
Bago pa ako makagtungo para damputin ito ay nakuha na agad ni Ravinder ang libro at tinitigan ang cover.
“Cinderella,” basa nito sabay iling at initsa sa akin pabalik na muntik ko nang di masambot, “After all the things that happened, after all these time, naniniwala ka pa rin sa story na yan?”
Tinitigan ko naman ang cover ng librong mula pagkabata ay naging sandigan na ng mga pangarap ko sa buhay at nakaramdam ng kurot sa aking puso.
Tinitigan ko si Ravinder na seryosong naghihintay ng sagot ko at kung sa anong dahilan ay napatawa na lang ako ng malakas.
“Verna,” mahinang sambit ni Ravinder.
Still chuckling hinarap ko siya at tumango ako, “Oo Ravinder. Sa daming kagaguhang nangyari at sa tagal na ng buhay ko naniniwala pa rin ako. Naniniwala pa rin ako na kung magtitiwala ako sa puso ko. Na kung pagbubutihan ko ay sasaya ako sa buhay ko, na matatagpuan ko ang happily ever after ko,” nakangiting sabi ko sa kanya pero I know na malapit na akong bagsakan ng luha.
Akmang may sasabihan pa si Ravinder pero tumalikod na ako sa kanya at nag paalam agad bago tumakbo palayo.
Hindi ko kayang marinig ang masasabi niya sa paniniwala ko na kahit ako ay natatangahan na. Tama nga ba na sa isang pambatang istorya ko binase ang kinabukasan ng buhay ko at ang mga ginawa ko?
Dahan dahan akong tumigil sa pagtakbo at napatapat ako sa isang electronic billboard na sa kasalukuyan ay pinapakita ang mukha ko back from the ball last month at hinahanap pa din ako ni Travis or should I say Crown Count Travis.
Did I do the right thing?
Kung hindi ba ako umalis, masaya ba ako ngayon?
-0-
Graduation Day…
Nandito ako sa V.U Stadium na Venue ng aming Graduation Ceremony.
Ang daming mga magulang na dumating as expected para makasamang mumartsa ang kanilang mga anak. Mga kamag anak na nakiki celebrate at mga kaibigang nakikisabay sa kaligayahan ng kanilang mga gagruate na kasamahan.
Ang saya at ang taas ng energy pero di ako makarelate.
Solo na naman ako as usual.
Just like Family Days or PTA Meetings na ako lang din naatend. As years turns to a decade nasanay na din ako na wala akong kasama sa mga events na iyon. I felt sad and out of place on my younger years syempre pero natanggap ko din na ako lang talaga at walang dadating para sa akin.
Pero sa okasyong ito parang nakaramdam ako ng kakaibang lungkot.
Baka dahil siguro hindi ito taon taong event sa akin kaya wala akong time na makasanayan.
“Representative Councilors and Representative Coordinators please proceed to the front row as soon as possible. I repeat Representative Councilors and…”
Biglang nawala sa pag mumuni muni ang aking isipan ng makinig ko ang announcement.
Itinaas ko ang aking toga at nakipagsingitan at balyahan sa mga estudyante at mga bisita para lang makarating sa upuan na allotted para sa mga Representative Councilors, Coordinators and their guests.
Thankfully I just arrived at the nick of time. Saktong upo ko sa gitna ng dalawang upuan na nakareserve para sa mga magulang ko na imposibleng dumating sa araw na ito ay nagsimula na ang seremonya.
Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko si Paladia kasama ang kanyang Tito at Tita.
“Psst! Psst! Verna!” sitsit ng isang pamilyar na boses sa aking kaliwa.
Nakasimangot na nilingon ko si Ravinder pero napaltan ng gulat ang aking ekspresyon ng makita ko kung sino ang kasama niya.
Dalawang middle eastern looking na mga lalaki around twenties ang edad. Di hamak na mas matangkad at malaki ang katawan kesa kay Ravinder they have nothing in common except their eyes na magkapareho ang hugis at kulay.
“Two of my elder brothers. Sajid and Rakim,” mabilis na pakilala ni Ravinder sa mga kapatid, “Brothers, my partner in crime and holiness, Verna,” pakilala naman sa akin sa dalawa.
Minabuti kong hindi ito ang tamang panahon at venue para awayin si Ravinder tungkol sa description nya sa akin kaya mabilis na ngumiti ako sa dalawa at nakipagkamay.
“If I’m younger I would’ve courted you as well,” nakangiting sabi ni Sajid.
Tumango naman si Rakim, “Now I know why he keeps on talking about you non stop. I have something to report to our father after all.”
Mag rerebutt sana ako kaso nagsimula nang magtawag ng mga graduating students ang mga respective headmaster at headmistress ng bawat faction kaya tinapunan ko na lang ng masamang tingin si Ravinder at inayos ko na lang ang aking upo para panuorin ang mga magulang at kanilang mga anak na umakyat ng stage para magkasamang tanggapin ang diploma.
Isa isa ko silang nakita. Lahat nakangiti, masaya at halos maiyak na ang mga magulang ng makitang makatapos ng high school ang anak. Isang malaking achievement para sa isang bata na nag aral sa Post-War Philippines kung saan mataas ang drop out rate dahil sa emotional at physical issues.